Martes, Enero 8, 2013

GIG Review: Palibhasa Paranaque


January 5, 2013. Ang pinaka-badtrip ay yung nagkasakit ka pa sa araw ng “gig”. Gabi before ng “Palibhasa Paranaque” year opener show ng IDB Bar, Sucat Paranaque ay tinaon na nagkasipon/ubo/lagnat pako! 

Ang siste...matinding gamot at maraming tubig para sa lagnat at ubo. Akala ko nga eh hindi nako makaka-attend, astig pa naman yung lineup ng show.



Neverdie

Anyways, me kasabihan nga tayo na mapipigilan mo ba ang kalabaw? Sabay na kami ni Bebekov at pagdating namin sa venue ay agad na pumukaw ng pansin ko yung 2 bisitang Hungarian nationals. Wow! As in effort talaga sila na hanapin yung venue para makapanood ng “Punkrock show”. Kung ako tatanungin ang hirap hanapin ng venue kung hindi ka taga-south. I totally salute yung dalawang bisita. I asked them in my call center accent “how did you find there is a show here in Paranaque?” Sa facebook lang daw and they wanted to check the hc/punk scene sa Pinas before they leave. ang laki talaga ng tulong ng social networking! Pinag-iisipan ko na nga gumawa ng FB ko, well...para lang siguro sa mga chix! Joke lang!

Almost 10PM, unang sumalang ang Neverdie, hindi sila kumpleto so kumuha sila ng session drummer, pero as usual tight parin yung sound, kumaha sila ng mga kanta sa current EP at isang kanta sa lumang releases. Good job sa pagpapa-umpisa ng show! Ginagawa na nila yung full length material. Hopefully ma-release ng February or March.

Next is Despite Our Defects mula sa Bulacan. Matagal na sila hindi nakakatugtog, ang alam ko nag-focus muna sa mga personal at pamilya mga miyembro. Pero nagulat ako parang walang nagbago. Nagkaroon ng technical problem dun sa gitara kaya nag-decide nalang na mag acoustic guitar. Aba’y napaganda pa yung set ng DOD. Last time na narinig ko sila way back 2004-2005, Power-Pop punk ang tamang description sa sound ng DOD. Actually ganun parin, ang ganda ng boses at match dun sa kaskas ng acoustic guitar, kung familiar ka sa Gameface at Gin Blossoms ay parang katunog nila yun.

The Skeleton Years
Sumunod ang The Skeleton Years, ang bagong project na pinagsama-sama ang mga loko galing sa Richard Collier, Village Idiots, Legarda at Bad Days For Mary. Ano ang tamang tawag sa “genre” nila? Well, matatawag ko silang “Chong Rock”. Bakit? Pakialam nyo! Gusto ko eh! Pero sa totoo lang,dun  sa mga familiar at close sa mga members ng TSY ay madaling ma-identify yung music nila. Nag-cover sila ng kanta mula sa Richard Collier “makeup, breakup”.  Then all original stuff (Abandon, Dead Night, Control). Ang masasabi ko lang sa grupong to ay...Chong! biased! ako kase gitarista ng TSY. Sana mabasa ito ni Kool Carla ng Identity Crisis para next time na mag-reunion sila eh maisama naman nila kami na mag-oopening act para sa Identity Crisis. ETChoss!

Sumunod sa TSY ang locals ng Paranaque, Nevertheless, local punk rock dudes influenced ng 90’s punk/hardcore na me touch ng grunge. Very tight analogue sounding ang grupong to. Parang combination ng Lagwagon at Mudhoney. All orig stuff din sila.

The Boxers
Sunod ang The Boxers mula sa Laguna, Happy at mabilisan ang forte ng mga pogi sa Laguna, reminds me of H20 (na halos lahat yata ng kanta ng H20 ay kaya nilang i-cover). Hindi yata nauubusan ng energy ang The Boxers? Anyways ang closing song nila yung hit na hit na “2-steps para pagpawisan”. Salamat sa The Boxers dahil kayo ang dahilan kung bakit nagiging Masaya at Comedy ang Laguna HC scene. Ika- nga eh...”wag masyadong serious sa pagiging HC/Punk mga bro! Chillax lang! Mag-2 steps para maaliw! Hahahaha!

Next ang The Diary of the Old Mango Tree from Bulacan, nung una ko sila napanood wayback 2010 kasabay ng Legarda, masasabi ko na new pop punk ang bagsakan nila.(FYS, ADTR) sa dami ng breakdowns at melodic vocal arrangements. Pero ngayon mukhang nagbago ng arrangements yung bagong kanta, more on post-rock indie sounding na pero nandun parin yung mga easycore style na tunog. Good job para sa mga bulacan boys!

Shoegazer Indie-POP ang drama ng Death to Puberty from QC na pinamumunuan ni Mr Chuck Baclagon ng Green Peace. All original composition ang DTP na talaga naman mapapaiyak ka sa musika nila, co-ed vocal duet ni Chuck at ni Ten samahan mo pa ng swirl guitar sounds ay tiyak na patok sa tenga ang musika ng DTP. Salamat sa DTP at palagi kayo available sa IDB.

Death To Puberty
Sumunod ang Walk Me Home, ang may hawak ngayon ng trono ng  Laguna Emo Kings (disqualified ang Typecast noh!). wala na siguro tatalo sa WMH sa pag-aliw sa crowd, unang kanta mula sa Jimmy Eat World “A Praise Chorus” na halos lahat ng crowd ay kumakanta!  Iba na talaga ang appeal ng WMH sa crowd, the usual set that never fails. Para kay Jade, Jeroze at Zep sana makuha nyo ang tamang timpla sa ROCK scene.

Walk Me Home
Before Hand ang nagsarado ng gig na talaga naman napahanga ako sa areglo ng mga kanta nila, sabi ni Jade ng WMH ay para raw silang roster ng Drive Thru Records (NFG, Allister, Homegrown, The Starting Line). 100% pop punk ala NFG. Sayang hindi ko masyado makuha yung mga lyrics pero tiyak ko tungkol sa girls, love life at pagiging teenager ang tema ng kanta nila. Typical na yun sa pop punk.

All in all, naging Masaya yung show, lahat ay umuwi ng naka-ngiti. Isang magandang show sa pagbubukas ng 2013. Ang badtrip lang ay yung hindi pa gumagaling na ubo’t sipon ko! Salamat sa lahat ng banda, bisita at napakasaya nung gabing yun! Kay Ms Kat Ty ng Starfish Music at talagang nag-effort mag-motor mula QC para sa show. Hats off kay Sannee Crapsalad at GypsieAnne dahil meron din pala silang sakit tulad ng sakin. Sa SS6 Clothing para sa TSY merch (bro ang ganda ng shirt!). Keith Dador para sa mga magagandang litrato. Malaking pasasalamat kay Chief Sharen ng IDB para sa pagbubukas ng taon. Let’s greet 2013 with a BANG! Chos!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento