Bren, visible ka bilang gitarista ng Neverdie at Cubicles, bukod ditto napansin ko rin yung visual ART side mo in designing logos, passion mo rin ba yung art design?
Di pa ako sigurado kung passion ko na siya talaga eh, pero sa ngayon masasabi ko na nag eenjoy sa pag design ng kung ano ano, mas na eenjoy ko siya pag di para sa school haha.
Bakit logo designing ang napili mong forte? Nagdedesign ka rin ba ng gig posters? Cover sleeve ng CD?
Mahilig kasi ako sa t-shirt! Nag sisimula lang na titingin tingin ako ng mga t-shirt ng mga paborito ko na banda tapos may maiisip akong idea na pwede sa Neverdie, o sino mang kaibigan banda naming tapos gagawin ko na. Di talaga siya dapat logo, pero pwede rin hehe. And oo, pag may magpapagawa ng posters sakin o kahit ano, kaya naman.
Ano pa yung pinagkaka-abalahan mo bukod sa pag design ng mga logos? Photography? Music videos?
Sa ngayon, thesis ko para sa school! Hehe documentary, pero kailangan ng sariling website so nag pra-practice din ako gumawa at mag design ng website. Sa photography naman, di ako magaling pero gusto ko mag improve tapos sa music videos, isa pang gusto kong ma practice pagka may free time na ulit.
Nasa college ka pa diba? Fine Arts ba? Nagagamit mo ba yung mga pinag-aralan mo sa paglikha ng mga design?
Multimedia Arts sa DLS-CSB, parehas kami ng course ng kabanda ko sa Neverdie, si Tani. Oo, sa school ako natuto ng basics sa mga ginagawa ko ngayon, tapos sa mga kaibigan sa school at sa pagbabanda. Pag may nagagawa sila na di ko alam pano gawin, tatanungin ko sila tapos ina-apply ko sa mga gawa ko hehe.
Dapat magka-ugnay ang visual at audio art, importante na hindi lang nila naririnig yung music/audio, dapat nakikita rin kung pano binubuo ang audio?
Para sa akin, oo. Nage-enjoy kasi ako pag nanunuod ako ng mga documentary o video ng Behind The Scenes o The Making Of ng mga album ng mga banda. Kung pano sila nag re-record o pano sila nag susulat ng mga kanta, Masaya panuorin at mas nakakainspire tumugtog at magsulat ng mga kanta hehe.
Sa ngayon madali na access ng mga tao sa internet, nakakatulong rin ba ang internet sa pagsulong ng visual art? nung panahon ko (early 90’s kid ako men!). Package deal yung audio/visual art meaning kelangan mo bumili ng CD para Makita mo ang art design at music ng artist. Ano ang tingin mo sa easy access at downloadable music at hindi kasama yung cover sleeve?
Nakaka tulong siya sa mga taong katulad ko kasi mas madali na naming ma sspread yung mga gawa naming, tapos na ma-market rin naming sarili namin sa mga potential na clients. Sa internet rin kasi mas maraming makakakita ng mga gawa namin, marami rin nakakahanap at nakakakinig sa mga kanta naming. At dahil sa mga social networking site mas madali ikalat napapagsama narin yung art at music hehe.
Me mga artist ka bang consider na naka-influence sayo sa pag-gawa ng mga logo design?
Walang specific na tao, pero ang unang naiisip ko si Jacob Bannon ng Converge, kinwento sakin ng kabanda ko na gumagawa ng mga artworks si Bannon, tapos hinanap ko. Sobrang ganda ng style niya hehe. Pero ang main na inspiration at influence ko sa pag design kung ano ano at kung sino-sino lang, hehe. Mga kaibigan ko, mga kanta na napapakinggan ko, mga nakikita ko sa kung san-san, bigla na lang may papasok na idea tapos sinusulat ko or linalagay ko sa phone ko para pag nasa harap nako ng computer, susubukan ko na gawin.
anong next step? shirt design/pins/cover sleeves ek-ek?hehehehe
wala namang exacto na plano, basta kailangan mu na gumraduate! Hehe. Tapos practice lang ng practice, expand ng skills, para di lang isang style ang meron ako. Game ako gumawa ng mga shirts/pins/covers/posters/ kahit ano basta kayanin ng powers ko! Hehe
Salamat Bren sa pagsagot sa mga tanong, me mga pasasalamatan ka bang individuals?
Salamat sa magulang ko na nagbuo at nagpalaki sakin. Sa mga kaibigan at mga kabanda at ibang kapamilya ko, mga banda na nakasabay naming tumugtog, at sayo men! First time ko mag ganto! Hehe maraming salamat!








Walang komento:
Mag-post ng isang Komento