Sabado, Abril 27, 2013

Sa piling ng mga kalansay


Sunod sunod mga tugtog ng The Skeleton Years simula ng naka-recruit kami ng drummer, salamat kay bunsong Charles Villanueva sa pagpayag paluan ang grupo. Nabuhay na ulit ang diwa namin nila Darwin, Mavs at Sharen at muling gumana ang mga “crative juices” gumawa ng kanta. Si Darwin Dacanay, isa sa mga pinaka-creative na taong nakilala at nakasama ko, bukod sa mga art works, concept at music, napahanga ako sa mga lyrics na nasulat nya.
Makwento ko lang na halos 15 years ko na kilala si Darwin “Weng” simula nang magkakasama kami sa mga DIY punk/hc shows nung late 90’s early 2000. Although magkalayo ang probinsya namin dalawa, sila Weng ay nasa Cavite at ako naman sa Laguna. Madalas kami magsama sa mga UG punk gigs kung saan-saan nung nasa Richard Collier pa sya at Village Idiots/Aunt Audrey pa ako.

Tito Weng kasama si Hiraya
Lagpas na isang dekada ngayon ko lang nakita yung soft side nitong taong ‘to. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay isang higanteng barako na sanay sa gulo at away. Marahil ganun nga dati... pero sa paglipas ng panahon may kanya-kanya narin kaming pamilya. Ngayon ko lang nakasama si Weng sa banda at hindi nagkakalayo ang buhay namin pagdating sa pag-papamilya. We share the same experience in raising a good family kumbaga. Balance lang ang kami sa pagtimbang ng punk activities, trabaho at pagpapamilya.  

Isa pang nadiscover ko yung side nya gumawa ng kanta na hindi “dark” na lyrics, meron pala syang side project (For Old Time’s Sake). Folk pop mala Sunday music ang tema.

Sa ngayon halos lingo-linggo ang TSY sa IDB Bar, nagbibiruan nga kami dahil hindi pa nag-cocommit ang TSY tumugtog outside manila south area kaya dun sa mga gustong mapanood ang TSY live ay kailangan dumayo sa IDB. Haha!

Upcoming chorva para sa TSY, music video at EP launch or baka full length na? Malay natin...abangers nalang.


Flyers ng nakalipas at upcoming TSY gigs...mapapanisn nyo puro sa IDB bar, kami me ari nun eh! 


























Value meal for the week:
Avail – 4AM Friday and Front Porch Stories
Alkaline Trio – My Shame Is True
Continent records sampler
Identity Crisis – A Tale of Two
AFI – Crash Love
Tegan and Sarah – So Jealous
Ted – yung teddybear movie ni Mark W.
Walking dead finale
Juan dela Cruz episodes
I love food/food is good – recipe book 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento