Lunes, Nobyembre 4, 2013

Music Review: Walk Me Home - Ride EP

Sound nyo ‘to? Like nyo ‘to: Gameface: Always On; Jimmy Eat World: Static; Weezer: Pinkerton; Reagan In Action EP (hindi ko na alam kung saan pa makakakuha ng record na 'to)

3rd EP release na nila ito, so far sila parin ang me hawak ng trono ng Laguna Emo/college rock, bagaman matagal ko nang mga kaibigan tong mga ‘to. Gusto ko lang maging honest at transparent sa pagkilatis ng EP. Sa tatlong release nila ay eto na yata yung pinaka-payat na tunog, manipis at walang gana. Yung unang record “Embers” ay tight light sound 2nd record “Probably not your thing” ay mas masagana ang paluan (siguro nakadagdag yung energy sa paghataw nung si Sep ang pumalit bilang tambolista ng banda). 



Sa EP na ito ay medyo nakukulangan ako sa landi ng guitar,  dahilan ba ito ng pagkawala ng isang gitarista? Nevertheless, iba parin ang tama sakin ng bandang ito.

Umpisahan natin sa intro riff ng “Stars” na hindi naman nila ikakaila na major influence ng banda ang HUM.

Pangalawang track ay cover song sa Reagan in Action (isa sa mga 90’s icon band sa SPC na dating grupo ni Jeroze) “Maybe in December”. Dito ako medyo naluha at lalo kong minahal ang bandang ito, bakit? Dahil hindi nila nalilimutan magbigay tribute sa mga bandang nakalimutan na sa Seven Lakes City.

Ala-Gameface riff ang 3rd track “turn off the a/c” na medyo napaindak ako ng dahan-dahan. Ang hindi ko masyado type yung 4th track “mr. ladybug”. Mga ser? Anyare? Diko ma-gets? Nawala yung rock at medyo nagpaka-indie sound yata kayo? Saves The Day ba peg nyo?

Anyways, ang pinaka-gusto kong track yung stripped-down version ng “never were”, with backing vocals courtesy of Ms.Kat Ty (Freedom Pad Zine/Fan Mode Distro)

Tingin ko sa EP na ito bitin yung melody ng gitara, Hinahanap ko talaga dahil yun ang naging trademark ng WMH sa mga previous records nila. Very straight-forward at single format sound, I’m thinking na idea rin na gusto nila i-capture yung live sound nila since si Jeroze nalang yung nag-iisa mag handle ng gitara, well sila nalang ang tanungin natin. 

Teka bakit wala sa copy ko yung cover version of "Back and to the Left" ng Texas is the Reason?

Track list: After Four / Maybe in December / Turn off the AC / Mr. Ladybug /  Never were

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento