Malapit na matapos ang taon, naka-isang taon narin ako
nag-uulat ng mga kalokohan sa blog nato at sa nangyayari sa eksena ng
katimugang bahagi ng Maynila /Cavite /Laguna/Batangas, salamat sa mga
indibidwal na naawa at na-curious kung ano ba ang mga pinagsususlat ko sa
blogspot na ‘to. Kung babalikan nyo yung January blog ko, year opener yung
Palibhasa Paranaque show review. Parang kelan lang noh?
2013 ang taon maraming grupo ang nag-release, marami ring
kontrebersyal na nai-ulat sa blog na ‘to. At bago matapos ang taon dapat lahat
magka-ayos, lahat dapat tanggalin ang bad vibes ng 2013!
Balikan natin mga highlights ng 2013.
IDB – Apat na taon at nagpapatuloy pa, tawagin nating
tahanan dito sa manila south,lahat ng release party ng manila south scene ay dito
lahat nangyari. salamat kay chief Sharen
at hindi ka pa nagsasara! Nagkapagtala ka ng kasaysayan sa Manila South.
Continent records – sa pagkaka-alam ko sila lang ang active
na record label sa south manila, label run by Tani Carino ang Jaime Abellar.
Nag-release ng mga manila south bands (Neverdie, Import the World, Tom’s Story,
Banat Boys etc.) ilang compilation na
pede ma-download ng libre sa bandcamp page ng label.
Legarda/monochrome/Tom’story split EP – history in the making para sa 3 grupo na nag-plano ng mahigit 3 taon para sa project na magkaroon ng split record. Para sa ultimate pinoy post grunge/shoegaze/metal/rock audio listening. Etchos!
Pork barrel scam – isa sa mga highlights ng 2013, buong
Pilipinas ang nakibahagi para maisawalat ang mga kababuyan ng mga pulitikong
nakaupo sa pwesto.
Still ill compilation launch – malaking project na nakapag-release ng compilation ng HC/Punk mula sa iba’t-ibang region from Luzon to Mindanao. Salamat kay Atty. Mike Nuestro (head ng Still Ill Records) para sa efforts. Magandang ipakita sa buong mundo na active ang Philippine HC/Punk scene.
TSY “Between lunacy and You” EP launch – halos isang taon pa
lang ang grupo, “super group” ba matatawag kung ex member ng mga banda-banda? Ang
tingin ko medyo nag-sipagsipagan ang peg namin so within 1 year ay masasabi ko
na achievement yung magkaroon ng music video at ep. Salamat sa lahat ng
naniwala.
Cebu tour – kasama namin (Legarda) ang Neverdie at Tom’s
story sa tour para sa album launch ng cebu’s mighty Tiger Pussy. Sarap ng cebu
lechon.
Import the world EP launch – South Manila’s cutest pop-punk
ay nakapag-release din ng 4-song EP c/o Continent Records. Libre!
Walk me home EP’s, medyo naging tahimik sa eksena ang boys
from Laguna, kaya naman pala dahil sa merong nilulutong record. Akala nyo ha?!
Congrats kila Jade/Jeroze/Sep, para sakin kayo parin ang standard bearer ng Laguna
indie-emo punk rock.
Neverdie’s the Life I Lead album launch – ang pinaka
successful na grupo mula sa Manila South, nag-open lang naman sila sa Man
Overboard. Dumadami na fans ng mga batang ‘to! Ano ba ‘to? Bagong henerasyon ng
pogi punk bands?! To Tani and co. Tuloy-tuloy lang mga bata. Push lang ng push!
Redux concept gig sa IDB, minimal bands with long sets. Stay
active and show that talent sa pagsusulat ng mga kanta.
Typhoon Yolanda – bago matapos ang taon at bago mag-pasko ay
nakaranas ang Pilipinas ng pinaka malupit na trahedya na bumura ng isang
probinsya sa mapa at kumitil ng 6,000 mahigit na buhay. Buong mundo ay nakiramay
at tumulong para sa mga nasalanta ng bagyo. Naging relief drive din yung mga
maliliit na shows para makatulong sa Yolanda victims. This shows na pede pala
maging united ang buong mundo, sana hindi lang dahil sa trahedya diba?
Aunt Audrey reunion show, after more than 10 years, nagsama
ulit ang original members ng female fronted punk band from Laguna. 1998 nag-umpisa
ang AA, usual na yung personal na dahilan (pag-ibig, trabaho at pamilya) kung
bakit kumakalas sa banda. Nakakamiss din pala tumugtog at balikan yung mga
kanta na nalimutan mo na sa paglipas ng panahon, salamat kila Bebot, Jordan,
Anchi at Carl! Mabuhay kayo.
![]() |
| Classic show flyer courtesy of Rogel Africa |
GOO full length, ang matagal ko na pangarap makapag-release
ay sa wakas natupad na, sayang nga lang at hindi ako nakapunta sa album
launching ng Goo. Mabuti nalang at pumayag sila dumayo ng south para sa secong
launch ng CD nila. Thank you guys!
Maraming naka-lineup sa pagdating ng 2014 at staple na yung
mga year opener shows sa IDB. Inanabangan ko rin yung valentines show ng
Lemuria dito sa Pinas courtesy of Still Ill. Expected din ang mga EP releases,
compilation/samplers ng mga kids dito sa manila south. TSY’s 2nd
music video ay kasado narin so abang-abang lang. Asahan nyo rin yung mga cd
review ng local releases next time.
Till next time folks! Masayang pasko at mapagpalayang
bagong taon sa inyong lahat!





Walang komento:
Mag-post ng isang Komento