Linggo, Pebrero 15, 2015

The Boxers interview

The Boxers (Laguna), isa sa pinaka-exciting plus ganador na combo sa probinsya ng Laguna. Never ako naka-miss ng show nila sa IDB na hindi naka-ngiti at masakit ang katawan. Itinuring ko narin sila na IDB house band dahil regular na sila sumasalang everytime me punk/hardcore party sa IDB. Energetic, entertaining at high level ang performance ng grupo, bonus pa sa comedy yung humor ng kantang nila  na patok sa mga dancing kids ng Piledriver show. Kilalanin sila Jay (Bass) Tof (Vocals) Ghab and Chico (guitars) at Rhob (drums), ang personal na buhay at pamilya, music, sports at ang "say" nila sa local scene. Kaya ihanda nyo ang inyong favorite band shirt, linisin ang athletic shorts at punasan ang pares ng running shoes! The Boxers, it's your time to shine… Kieme!

Pinaka-kaibang Question… Bakit “The Boxers” ang pangalan ng grupo?

Jay: Kung naaalala ko ng tama, yung "THE BOXERS" na pangalan ng aming combo ay talagang naging biglaan lang, may isang show na makakasingit kami sa line-up pero kailangan namin magbigay ng pangalan, tutal palagi naman naka BOXER SHORTS si Tofu makalipas ang ilang argumento bumaksak kami sa pangalang iyon na sa palagay namin ay pasok naman kahit papaano sa amin. 

Ghab: Ayun nasabi na ni Jay kung san namen nakuha un The Boxers..hahaha..panay kwela kase kame..

Tof: Ayoko nga sana talaga nyang pangalan na yan, naaalala ko pinipilit kong "Francis and the Bullfrogs" nalang. Muntik ko pa nga itaob yung mesa nun, inawat lang ako ni Rob with teary eyes, sabay yakap, "Tama na tol, tama na."

Sino sa grupo ang literal na nag-train ng boxing or any contact sport?

Jay:  Ang literal na nag-train ng pinakamalapit sa Boxing ay si Gab, isa syang Muay Thai instructor, nagsanay sya sa Thailand, sya din ang nakatalo kay Sagat, tawag sa kanya ng mga estudyante nya ay KRUng-KRUng! Hahaha! Si Chico naman nagtrain ng Weight Lifting kaya medyo napigilan ang kanyang paglaki, nagkasabay din kami dati ni Chico sa gym nung nag weight-lifting pa sya, kaya ganito pagmumukha ko nabagsakan ako ng 100lbs. na weight kaya huminto nadin ako, sayang at ipanglalaban na sana kami sa Olympics, hayz kakalungkot kapag naalala ko (tahimik).... Si Tofu naman ay nag Jui-Jitsu pero lampa sya kaya di nadin nya naituloy, si Toiz naman ay nag cross-fit, akala nya yun ang sports ng mga XstraightedgeX.

Ghab: Ako talaga ung nag-train ng boxing, muay thai at jiu jitsu. Co-incident lang na naging The Boxers ung naging name ng banda namen. Hahaha..

Tof: Si Chico saka si Gab mga basag ulo talaga yang mga yan. Dati nga sinasali pa nila ako sa gang nila, yung Notorious Alpha Gangsta. 


Pacquiao o Mayweather? Bakit? 

Tof: Kay Chavit ako, kupal e.

Jay: Mayweather, parang lahat kasi pabor kay Pacquiao maiba lang.

Ghab: Mayweather ako! kasi di mananalo si Pacman dun..magaling umilag yun eh..hahaha..

Saan pinakamasarap kumain after ng show? Any recommended place?

Jay: Pinakamasarap kumain after ng show ay sa bahay, tapos bili ng kanin sa karinderya at magbukas ng tuna. Tambay sa balkonahe solve na! Haha Pero kung kainan pagkatapos ng tugtog masarap sa Laguna yung (Starbeks, Atoys, Tudings) tsaka syempre masarap din sa Hey Ho G Burgs hindi nga lang after show kami nakakakain dun dahil hindi naman kami madalas may show, pero masarap dun tumambay kapag kasama mga pamilya namin, bonding time nadin tsaka walang WIFI kaya kwentuhan talaga hindi Like and Comments! Inaantay namin ngayon yung nilulutong negosyo ng mga boys ang JolliBEDA ang specialty nya ay Mcdoughnots, tsaka yung PARES Hilton ni Chico excited ako matikman yun!

Ghab: Aftershow?.bago pa kame tumugtog kumakain na kame..sa IDB pagdating namen dun salang kaagad kung kumpleto na kame tsaka kame kakaen dun sa kanto un pares..masarap un eh..

Tof: Madalas di na kami nakakakain dahil bad influence si Chico at nagyayaya nalang maglasing. O minsan bago palang umuwi, lasing na agad kaya ang bagsak…tulog.


Anong masasabi nyo sa local scene? Particular sa Luzon southern area?


Jay: Buhay na buhay padin ang scene sa south, lalo nung bukas pa ang IDB, lahat ng shows dun may tao man o wala sobrang memorable, yun yung lugar na hanggang pagtanda ko maikwekwento at maipagmamalaki ko sa mga anak ko na ang IDB winelcome kami na parang pamilya kahit na palagi kaming wala sa tono, walang magagandang gamit at madalas late, hindi padin sila nagsawa (Sharen, Jep, Sannee atbp.) sa pagimbita sa amin. Syempre sa Laguna masipag padin na nagorganize ng show ang buong Railroad Crew katulong ang Pride & Trust, nakakahanga kasi sobrang sipag nila magtour, yun ang gustong gusto naming gawin pero hindi namin masyado mapagtuunan ng pansin dahil unang-una sa gastos, oras din dahil may mga kanya-kanyang trabaho, at mga bata na dapat alagaan, darating at darating naman din siguro sa amin ang panahon na yun, isa yun sa mga bagay na gusto ko magawa bago ako kunin ni Mot este ni Lord! (RIP Mot Maitbag Ed.) Sa Manila naman active padin nagorganize ng show ang buong Still Ill Crew, sila din ang mga pinakamasipag mag-papunta ng mga banda dito na akala mo di mo na mapapanood hanggang madisband sila, katulad ng pangalawang pagbabalik ng Bane sa pinas na unang dumaan sa Laguna, sa Norte din sobrang lakas ng scene dahil sa mga masisipag na tao sa kanila na hindi nagsasawa magorganize ng show Bulacan, Pampanga, Tarlac, Baguio at Isabela, meron pa silang sariling radio show tuwing friday yung sa Eksena Lokal, mga gwapo ang DJ nun sa pagkakaalam ko, sana nga ma-meet ko sila in person! Sa Baguio ang naalala ko ay dun namin unang nilabas ang mga narecord naming kalokohan, sobrang saya nung pagbisita namin dun, masaya yung show pero mas nagenjoy talaga kami sa mga pag-gala gala at tawanan, madaming alaala ang di namin malilimutan dun, inalagaan kami nila Kevs, Mae, Grench, Lois at madami pang iba, sana makabalik kami dun sa summer, kunwari may show pero totoo mga mag fefeeling turista lang ulit kami at mag eenjoy! Haha Para na pala akong nagsulat ng scene report Hahaha pasensya na tol napahaba!

Tof: sabi sayo Jay gawa nalang din tayo ng zine. Ikaw palang, pamato na! (tawa) 

Ghab: Active pa at ok ang eksena sa south..kung di nga nagsara ung IDB mas masaya..sa totoo lang, dun lang kame nali-line-up..hahaha..at malapit pa alam mo na medyo tight sa budget kc may mga anak na kame..hahaha..

Top 5 local bands at bakit?

Jay:  ADA - Dahil sa mga talumpati ni Kuya Boi namulat kami ng husto sa mga bagay-bagay, mapa-Eksena, Realidad, Spiritual at madami pang iba, personally masasabi ko naging malaking bahagi ng buhay ko ang Aggressive Dog Attack
Divided We Fall - Kung wala si Ramil Minas at Dencio Veloso wala na sigurong saysay buhay ko ngayon. Habangbuhay kong tatanawin na utang na loob at niligtas nila ako sa dagat-dagatang apoy!
Piledriver - Katulad ng ADA isa din ang Piledriver sa mga bandang hinahangaan ko mula pa nuon, diretsong-diretso kasi eh, wala ng paligoy-ligoy!
Groundzero - Para sa akin ito yung banda na simula unang kanta hanggang huling kanta wala kang itatapon eh. Naalala ko noong tumutugtog pa sila hindi pwedeng hindi ka magliligalig eh, yung intensity sobrang lakas!
Eightounce - Ibang intensity rin naman ang naidudulot ng Eighounce kapag sila ang sumalang sa entablado, yung tunog nila na sobrang tatatak sayo at hanggang makauwi ka na sa bahay at hanggang sa pagtulog parang mapapanaginipan mo padin yung tinugtog nila, ganun katibay yung banda na yan!
Pasensya na kung hindi na masyadong active yung mga bandang nabanggit ko pero para sa akin yang ang top 5 local bands ko. kung may +5 pa ito ang mga nasa isip ko, 6. GOO, 7. Bad Omen, 8. The Beauty of Doubt, 9. Tame The Tikbalang, 10. Feud.

The Boxers "Round One" EP - FREE Download sa Bandcamp
Tof:  Yan din sana isasagot ko, pero dahil naunahan na ako ni Jay, eto sa akin.
End Of Man - Favorite to ng Tito ko, madalas nya itong ikwento sa akin nung maliit pa ako. Nakikinig kami ng tapes noon, di ko talaga masakyan. Hanggang sa napanood ko sila sa Album Launch ng Goo, lubos ko na syang naintindihan. RIP Tito Alvin.
Philippine Violators - Isa sa mga tapes ng tito ko na madalas namin isoundtrip noon na bukod  tanging nasakyan ko. Maituturing kong intro ko sila sa Phillipine punk. Nung mga panahon na yun nagsimula narin akong manood/magbasa ng balita at  magtanong tanong.
The Out Of Body Special - Tumigil na akong makinig ng hiphop dahil tingin ko puro gangsta rap nalang ang nagsisilabasan at puro ego, pekpek at paninira sa ibang rapper ang naging tema noon, hanggang sa napakinggan ko sila isang araw at muling nanumbalik ang pag-asa na meron pang mga hiphop artists na creative at may kabuluhan ang sinasabi.
Half The Battle - Para sa akin sila ang pinakamagandang halimbawa kung paano dapat ang isang punk hc na banda. Mabilis, straight forward, matalinong pagsusulat at makabuluhang komentaryo. Tipong kapag pinapakinggan mo e pakiramdam mo kinakausap ka.
Radioactive Sago Project - bukod sa isa sila sa mga pinakamagaling na bandang napanood ko, sila rin ang isa sa nagbukas sa isip ko sa kontekstong musikal, lirisismo at naging halimbawa na huwag matakot mag-eksperimento. Naaala ko nung unang beses ko sila mapanood, naisip ko, "Tangina, pwede pala yung ganon!?"

Ghab: ADA, Mihara, Short Story, Youngstale Memories at pinaka idol ko si Japet Umali mapa skate man or sa banda..mabangis un.(tawa)


Kung may banda ka na gustong i-challenge sa isang boxing fight, sino ito at saan natin gaganapin ang pinakamalaking boxing event sa local hardcore scene?

Jay:  Gusto kong i-challenge ang banda ni Marlene Aguilar, at sana ganapin ito sa Philippine Arena yung sa may Bulacan. 

Ghab: Youngstale Memories pang asar ung mukha ng bokalista nun eh mukhang batok..hahaha..dito nalang sa Sta. Rosa ung venue or kahit sa tapat ng bahay nila..(tawa)

Tof:  China-challenge ko yung bandang Mihara dahil matagal nang mainit sa akin yung bokalista at bahista non, napakayayabang, angsarap pagbabatukan! Dun nalang tayo sa clubhouse, sa may playground, ano?!


May mga guilty pleasures ba kayo pinakikinggang music o talagang puro hc/punk rock lang sounds nyo?

Jay: Napakadami, sa local, si Herbert Colanggo syempre, Kamikazee, Up Dharma Down, Yano, at madami pang iba. Sa foreign naman Bread, Taylor Swift, tapos yung ginawa nila Billy Joe Armstrong at Norah Jones trip na trip ko yun country na country, The Horrible Crowes, Amy Winehouse at syempre napakadami pa ding iba! M2M! Haha

Tof: Madalas hiphop pag nasa bahay lang ako, lalo na't Linggo o kapag gusto ko lang magrelax ng onti. The Roots, Living Legends, Audible Mainframe, The Streets, Mos Def, A Tribe Called Quest, mga ganon.

Ghab: Nakikinig din ako ng iba't-ibang genre tulad ng pop music, mahilig sumayaw at kumanta ung anak kong babae..hahaha


DIY or Corporate Sponsored show? Bakit? Kayo ba ay mga PSS (Pulp Summer Slam) haters?

Jay: Syempre naman DIY shows padin, pero wala kaming problema sa Corporate Sponsored Show dahil sigurado ako na wala din naman silang pakialam sa amin, sasayangin ko lang ang panahon ko kamomroblema sa kanila wala naman silang ginagawang masama sa akin. Haha Nanunuod ako ng mga Corporate Sponsored Show at wala naman akong nakikitang mali doon, hindi naman siguro nakakabawas ng pagkalalaki ang pagpunta sa mga ganun. Yung sa PSS naman ay napakadami namin kaibigan dun at wala din kaming nakikitang mali sa ginagawa nila, lahat naman ng bagay ay nag eevolve, sa katunayan yung mga tao na nakikita natin na may music video sa MYX, may records sa mga bigating record stores DIY padin naman ang mga yan eh, parehas natin nagtratrabaho sa opisina, namamasahe o nag cocomute padin sa mga public transpo, naglalabas padin ng pera kahit na akala natin na rockstar na rockstar na sila. Minsan nga naiisip ko mas ELITE pa tayo sa mga nilalabelan natin na ROCKSTAR eh, kasi sila lang naman yung mga pinalad at pinili nilang gawing full time ang pagbabanda, wala namang mali doon diba? Para sa akin yan ah, opinyon ko yan. Kung may pagtutol pwede naman din akong kausapin, mas gusto ko personal ayoko ng BLIND ITEM GAME sa facebook. Hehe...Wala naman tinuro sakin sila Kuya Boi ADA at ibang taga Laguna na ipagdamot ang hardcore punk at tablahin ang mainstream. 

Kumbaga kanya-kanyang trip yan eh. Gawin lang natin yung alam nating tama, kung trip natin mag organize ng mga DIY Shows panalo yun, gawin natin sigurado naman di tayo tututulan ng PSS jan diba! Hehe Pakialam ba nila! Haha!
Kung gusto nung mga PSS na magpunta ng mga DIY Shows eh di i-welcome natin sila, katulad nung pagwelcome na pinaramdam sa atin ng mga nauna, mahal ko kasi eksena natin sa totoo lang, kaya ayoko ipagdamot ito sa mga nagsisimula palang. Alam naman natin kung ano yung stand natin sa buhay/eksena eh. May naalala nga akong damit eh nakalagay Real Recognize Real.
Dapat secondary lang ang tugtog sa atin eh, dapat PAMILYA ang turing natin sa isat-isa, sikat o underground, old school o new school, out of school youth Haha Dapat pantay-pantay lang, maiksi lang ang buhay natin, enjoy lang natin!

Ghab: DIY syempre.. Hindi sa haters ng pulp kung di sa mga bagong sumusuporta or mga fans ng pulp ang may mali dun..sabihin na naten na kasalanan din ng mga artist kung bakit pumanget ung pulp summer slam..


Kung bibigyan kayo ng pagkakataong makatugtog sa malaking event concert tulad ng Pulp Summer Slam, gorah ba kayo?

Jay:  If the price is right! Hahaha Wala akong nakikitang mali sa pagtugtog sa Pulp Summer Slam lalo kung naimbitahan ka ng kaibigan mo na tumugtog dun, tapos ang kasama mo sa line-up walang wala naman. Descendents/All, H2O, Sick of it All, Lifetime, Shook Ones, Alkaline Trio, THe Gaslight Anthem, Rancid, Against Me!, Ignite, Gorilla Biscuits, 7 Seconds at madami pang iba, talo pa ba naman kami nun? Sama Kayo (The Skeleton Years)? Game? Hehe

Tof: Oo naman. Bakit hindi. Hindi naman kami suplado. Powedi, piro dipindi…

Ghab: Why not diba? Minsan lang un pangyayreng yun..haha..panalong gamit tapos malaking stage pa..ok lng saken kahit walang maka-appreciate sa tugtugan namen basta maka-experience lang kame nun ok na..(tawa)


Mensahe para sa mga fans ng The Boxers

Jay: Friends nalang wag na fans! Haha Ang mensahe ko para sa inyo ay Magmahalan at Kapayapaan sa san daigdigan!

Ghab: Wala naman kaming fans..hahaha..pag alam naming nasayahan un mga tropa namen or ung ibang tao sa tugtugan namen solb na un..hehe

Tof:  Meron ba? Hahaha! Gayunman, maraming maraming salamat. Huwag matakot kumwestiyon sa mga bagay bagay, ipaglaban ang alam mong tama, huwag managasa ng kapuwa, magmahal ng lubos, magsikap at huwag umasa sa swerte. Para gumaan ang pasok ng pera.


Kung gusto nyo kontakin ang The Boxers, i-like ang facebook page, i-download ang mga kanta sa EP nila through bandcamp at makipag-ugnayan lang kay: 
Kristoffer Jay Yator : 09063143625
Hindi naman sila suplado sa personal kaya pwede nyo sila tawagan, email or text.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento