Huwebes, Mayo 30, 2013

Word of my IDOL


Celebrity writer, columnist, radio commentator, TV host, poet, musician, Palanca awardee and the list goes on. Masasabing institusyon na rin sa media. Host ng sariling TV show na WASAK at Word of the Lourd. Si Mr Lourd de Veyra, isa sa mga iniidolo kong media personality.

Nasubaybayan ko rin ang musical career ni Idol simula nung nag-gitara sya sa Dead Ends kasama si Al Dimalanta hanggang sa jazz infused rock band na Radioactive Sago Project.

Hindi narin mabilang ang mga naisulat na tula/komposisyon at nakapag-publish narin ng ilang libro si Idol, minsan narin maging stand-up comedian si Idol.

Matikas din ang opinyon nya pagdating sa pulitika ng Pilipinas...higit sa lahat ang lahat ng ito’y kwela lang mala Dolphy at TVJ sa kanya.

Yan si IDOL... sana makita kita at makainuman someday. 



ad lib: One time sa isang episode ng WASAK, nakasuot sya ng Tshirt ng Suicidal Tendencies. Wala lang...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento