Hindi naman naging busy ang mamang ito, sa totoo lang me
topak internet connection nitong nakaraang buwan, sa halip na mag tiyaga ako sa
bagal ng connection eh mas minabuti ko pang mag-alaga ng mga bata at maglinis
ng bahay bukod sa regular na routine tulad ng pagpasok sa trabaho at pagluluto.
Naging aktibo rin
kami sa EP launching ng TSY, maraming salamat nga pala sa sumuporta nung MV at
EP launch, sobrang saya namin, hanggang ngayon me hang-over parin ako isang
buwan na nakakalipas.
Hindi biro ang pagod/effort isama mo na yung gastos sa
pag-release ng output ng banda, aba’y todo reklamo na kami sa gastusan (imagine
nyo 100 copies lang inilabas naming ha?pano pa kaya kung 1000 copies?)
Lahat naman ay napalitan ng hindi mapapantayang kaligayahan,
sabi nga sa mga DIY punk bands, sa efforts wala nga daw talaga kapalit yan, ika
nga eh walang tulak-kabigin (puro nga lang tulak!) solb na solb ang lahat ng miyembro
sa intense ng sumusuporta sa grupo. Salamat
sa lahat ng malilit na individual/grupo na niniwala at bumili ng mga paninda namin nung EP launch.
Isa rin sa ikinatutuwa ko yung recognition ng IDB bilang
isang venue para sa mga independent artist sa south area. Ang sabi ko nga
naging bahay na ito ng mga timog based (official house band ang TSY! Hindi
kami tututgtog sa ibang lugar, kung gusto nyo kami mapanood aba’y dumayo kayo
sa Sucat Paranque! Hahaha! Biro lang) ang totoo nyan ay ayaw kaming pakawalan
ng may ari ng IDB – binabayaran kami ng limpak na salapi/alak at babae para
exclusive na tumutog lang sa IDB.
Isa pang bago yung EP launch ng mga southern local
pop-punkers Import The World, na-impress ako sa sound ng mga batang ‘to. And
mind you...libre yung CD nila, para sakin it’s too good to be free, mga kids
ipagpatuloy ang apoy ng POP-PUNK. Later i-review ko yung CD ng ITW. In my
opinion, Hindi naman kailangan ”depensahan” ang pop punk dahil naniniwala ako
hindi naman ito mamamatay.
Sa ibang balita, tuloy pagdayo ng Continent Record bands sa
Cebu ngayong September, yep! Ang roster ng Continent Records karamihan mga taga south na Neverdie, Tom’Story at Legarda ay dadayo sa Cebu para makabakasyon at
makasama ang mga visayan friends. Abang nalang sa mga date at schedule ng
tugtog.
Isa pang malaking balita ang paglabas ng Philippine
compilation ngayong August mula sa Still Ill: Movin Up, Movin On! 18 bands, 71 minutes of the best new local hardcore
punk bands from the Philippines, isang malaking project na maipapakalat sa
buong mundo para mai-showcase yung mga Pinoy DIY punk bands. Congrats in
advance sa Still Ill para sa proyektong ito.
Sa mga susunod na buwan
marami pa aabangan sa Manila south and
other areas as well, ang inaabanangan ko
yung release ng isa sa mga influential sakin, 90’s power-punk band from
Marikina – GOO! Balita ko malapit na ito mailabas, yung full-length album ng
Neverdie baka sa September, direktang na-ichika sakin ng bokalista ng Walk Me
Home na mag-uumpisa narin sila mag-record para sa upcoming release at lingo-linggong
show sa IDB, mostly mga UG metal show. Makibalita at Makibahagi sa local na
eksena.
Para sa mga karagdagang
balita, i-google nyo at i-like yung mga page, sorry wala akong facebook kaya
hindi ko kayo mai-add para maging friend ok?
- Neverdieph
- The skeleton years
- Crapsalad videos
- Walk me home laguna
- Legarda
- Continent records
- Goo
- Still Ill Hardcore distro
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento