Unang EP review ko ngayong 2014;
Sounds mo ba ‘to? Kinda like: Sarge / Rocking Horse Winner /
Baby Gopal / Discount / Greenday / Descendents
Naka-score ako ng EP nang nagkaroon ng release party ng
Movin UP Moving ON compilation, nung time na narinig ko yung track nila sa
compilation ay agad naging instant “fan-boy” ako ng bandang ‘to. Mula sa San
Fernando, Pampanga dumayo ang Monthly Red sa IDB para makisaya sa release
party, saying nga lang at last band sila sa lineup.
Anyways, palagi kong sinasabi na malambot talaga ang puso ko
pagdating sa girl-fronted melodic punk rock. Mabisang formula talaga yung
3-chord pattern with melodic singing para makabuo ng effective song, set natin
ang Ramones, Descendents at Greenday as example.
First track ng EP entitled “A Song For Karen” ay medyo
nakumpara ko sa “Beguiling” ng Sarge. Melodic overdriven guitars with a
combination ng soft cutie vocals.
Typical na sa pop-punk yung magsulat ng kanta tungkol sa
relasyon sa babae o sa lalaki pero napa “nga-nga” ako sa kanta nila tungkol sa
local na eksena, ang ganda nung lyrics nila sa pag-describe ng DIY band yung nag
papa-photocopy ng cover/lyric sheet at kopya sa CDR nag-invite pumunta sa mga
local shows at humihingi ng suporta sa mga locals, totally fugazified!
Para sa akin isa sa mga magagandang release ngayong 2013.
Salamat at nagkaroon kayo ng chance makapunta sa south part ng manila. Salamat
Weena at Francis.
Support your locals all the way! Ika nga nila
Track: A Song for
Karen / Chery / Cyanide / I hate my Boyfriend / Locals
Contact Love from Hate records: Deptot14@yahoo.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento