Konting history lang: 1998 Laguna punk scene, dito yung
pinanka-patok at malakas na panahon ng 90’s early 2000. Panahon ito kung saan ay encouraging talaga sa Laguna punker kids na mag-organize ng DIY shows sa kanya-kanyang lugar imbis na magbayad para makatugtog sa mga production ng Club Dredd at Yosh Cafe. Halos buong probinsya
ay magkakakilala sa mga DIY organized local shows mula San Pedro hanggang San
Pablo City. Aunt Audrey ang local female-fronted punk mula sa Los Baños, Laguna
pinangungunahan nila Bebot (Vocals), Mon Mcfly sa drums, Yellow Mags sa gitara,
Anchi sa bass kasama ako dito bilang
original member at gitarista narin. Nang nawala si Mon Mcfly at YellowMags
(kung curious kayo dahilan ng pagkawala nila, pwede nyo tanungin si Bebot).
Nagkataong nakilala namin ‘tong 19 year old UPLB student energetic punker na si
Jordan Constantino para paluan ang nabiting AA.
Since then naging “fall from
heaven” si Jordan para sa AA. Sya rin ang main song writer ng grupo. 1998 rin
nailabas ang super lo-fi DIY album “Radio Friendly Teenage Diary”. 2002 unting
nagkalasan dahil sa mga “priorities” ng buhay. Tinuloy parin nila Bebot at
Anchi at swerte naman nakuha nila ang guitar god ng LB na si Karl at ang
graduate ng Lombardo school metal drumming na si MIggy, mas naging tight at di
hamak na musically challenged ang bagsakan ng AA from 2005 till nag decide na
mahinto pansamantala dahil kailangan na ni Bebot maging OFW at pumuntang Dubai.
Fast track natin ng December 20, 2013. First time na
magsama-sama ulit ang mga original members para sa reunion after more than 10 years, nabalitaan nga na
uuwi si Bebot. Isang activity narin para makatulong sa nabiktima ng Typhoon
Yolanda is nagpadala kami sa mga audience ng mga bagong “undies” para padala sa Leyte.
Nung gabi unang sumalang ang Import the World, isa sa mga
maraming banda ni Mr. Tani Carino (NVRD fame). Personal kong paborito sila
dahil sa “non-contemporary” pop punk sound. Anong ibig sabihin nun? Parang
description ko is melodic pop with complicated arrangements sa gitara? Perfect
para sa opener ng show.
Next is Walk Me Home, ano pa ba ang inaasahan sa reigning
Laguna emoish-rockers kundi magbigay ng outstanding show. May bago pala silang
EP titled “Ride”. And as always, kasama na sa setlist yung kanta ng Regan In
Action “Maybe in December”. Good job guys!
Sunod ang Batangas longest running punk rockers SettledDown,
ang bokalista na si Reimund Tagne ang isa sa pinakamatagal na fan ng AA.
Nagkaroon pa sila ng rendition ng “Bitter” na sinama nila sa album nila dati.
Bilang talaga sa daliri ang true friends till the end, akalain mo kami-kami
parin magkakasama after 15 years of making punk rock music. Salamat Tagne at
Kuya Jeph at nandyan parin kayo.
Sumunod na ang bagong lineup ng Aunt Audrey na sila Bebot at
Anchi, Karl, Budik at nag-session na si Lester mula sa April Morning Skies, set
nila yung mga bagong kanta ng AA, hindi nako masyado naging familiar sa mga
bagong kanta ng AA (Lies, Shattered Glass, 94) super tight ang rhythm at
bagsakan maski na siguro may konting sabit..as in hindi halata. Hindi nako
magtataka dahil sa miyembro na si Karl at Lester na talagang napakahusay
tumugtog. Bonus nila yung cover mula sa NUFAN “International You Day” at 99 Red
Balloons.
![]() |
| AA version 2.1 |
After ng unang set ng AA ay agad na sumalang ang The
Skeleton Years; the usual set na pihadong magbibigay ng indak “daw” sa mga 80’s
kids dahil sa binansagan naming “Chong Rock”. Ayus din eh noh? Lume-levelUP ang
grupo pero mukhang sa IDB lang talaga ma-eexperience ang beauty ng TSY. Kelan kaya
kami makaka-tugtog sa labas ng IDB? Me bagong kanta nga pala ang TSY entitiled “Opening”,
check nyo nalang sa FB page. paki-abangan nalang yung bagong music video para sa 2014. Nasa planning stage narin yung next EP.
Anyways, up next ang nagbabalik na Marty Mcfly. Matagal narin
hindi sila tumutugtog dahil si Mon ay isang OFW din. So tuwing uuwi lang si Mon
nabubuo ang Marty Mcfly. So anong bago sa MM bukod sa ilang bagong kanta
pinarinig nila sa mga tao? May bago silang EP ng mga unreleased tracks na
matagal na nila nirecord pero hindi pa nila nailalabas, malamang sa super busy
lang talaga sila sa kani-kanilang personal na buhay at trabaho. Hanggang ngayon
ay “fanboy” ako ng bandang ‘to. Sarap talagang pakinggan yung mala-weezer indie-rock-pop
na tumatak na puso ng mga fans ng banda. Salamat MM at nakatugtog kayo sa IDB. Isang
kasaysayan na naman ang tumatak sa IDB.
Pagkatapos ng Marty Mcfly ay sumalang na ang original
members ng Aunt Audrey plus Karl para tumugtog ng bass, kapansin-pansin yung
mga audience na pumunta ay halos lahat familiar faces, ang ibig sabihin talaga
ay meron din naman palang nakakakilala samin, plus narin yung maraming fans si
Jordan dahil sa VOC. So yung ilang kids ay curious din kung ano ang tugtugan ni
Jordan dati. Well, all original set kami na parang nag-flashback samin lahat
ang taong 1998 at take note! Well rehearsed ha? Kasi naman ayaw din mapahiya sa
audience. Ganun parin yung energy na ibinigay ng grupo, yung nga lang at hindi
na kami ganung kalakas para i-maintain yung level ng energy (alam nyo naman
kapag tumatanda na). Napansin din ang merch na dumating at nagbebenta ng AA
shirts, salamat sa down for life clothing. Lahat ng kanta mula sa “Radio
friendly teenage diary” cd, ilang highlights ang pagkanta ni Reimund Tagne sa “Bitter”.
Pangks na pangks talaga...parang si Tim Armstrong lang.
![]() |
| AA Version 1.2 |
Muling napasaya namin ang mga sarili namin at bonus yung mga
audience nung gabing yun, Kung tutuusin pede naman kami magsama-sama sa isang
inuman para mag-jam jam lang pero mas pinili namin na tumugtog sa mga tao. Bakit?
Dahil 1998 punks kami! Bwahaha...
Maraming salamat sa lahat ng loyalists AA crew (kung meron
man),kay Paolo Cruz at Ms. Claire Villacorta sa eternal support , Allan and
Peter ng DFL Clothing, ang buong Empty/Full Crew para sa pagpunta, kila Mel at
Kat, Sannee at Anne, kay Kimmy Baraoidan para sa mga litrato, sa mga bandang
tumugtog Import the World, Walk Me Home, Settledown, The Skeleton Years, Marty
Mcfly, kay Tatel VOC at sa mga crew nya. Sa RockEd “undie drive” para sa
Yolanda victims, kay Sharen ng IDB at higit sa lahat sa asawa ko na nag-ayos ng
kalokohan ni Audrey show.
Salamat Bebot, Jordan, Anchi, Mon, Mags, Jericho, Karl, Budik, Rexy at Miggy... hanggang sa muli, Aunt
Audrey now signing off.... again....
Missing Sounds habang sinusulat ko:
Discount - Half Fiction
Heart Sounds - Drifter
No Use For A Name: Hard Rock Bottom
Goo - In Goo we trust
For Old Times Sake - Its a beautiful day to be alive
Red City Radio - Titles




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento