Isa na naman astig na compilation mula sa Freedom Pad Zine
at Fanmode Distro featuring some kickass women in pinoy underground scene. Iba’t
ibang "rock" genre ang kasama dito. From punk, hc, shoegaze, indie-rock, pop, metal, prog-rock and
ska/reggae etc. Kaya yung mga macho hardcore boys jan, mag-isip muna kayo bago
mag-flex ng mga muscle at mag-handa sa slam pit dahil sa compilation na ito... tiyak may kalalagyan kayo mga kolokoy!
Tiger Pussy, Cebu’s leading Riot punk band ang
bumulaga sa unang track ng compilation mula sa full length album
nila. Guys, unang track palang ay mararamdaman mo na ang sipa sa yagbols. Sakit!
Mapapasayaw ka rin sa The Dandimites – Makati’s female fronted
reggae-ska groovie soul. Random Violence – 44 sec raw hardcore-punk song na
kasing tigas ng karne ng kalabaw na half-cooked! Kung sinuman ang papantay sa
bilis at angas nila ay bibigyan ko ng kendi ok?! Good stuff from Still Ill
records
Serenus ang metal influenced ala Lacuna Coil/Evanescence na mapapa-bang ang
head at the same time maaakit sa boses. Shoegaze pop Identikit at ang
electro-noise indie rock na Tether ay nag-ambag din ng ingay sa compilation na
ito. From Still Ill records, isa sa mga
paborito kong hardcore band ang Value Last ay kasama rin sa compilation na ito.
Boston influenced hardcore with lots of positive lyrics (Denver RIP).
Unreleased na kanta ng Laguna punk Aunt Audrey na balita ko nirecord pa
ni Bebot yung vocal tracks sa Dubai. Fanatic Dream popsters Soft Pilllow Kisses
ang isa sa closing track na tamang pampatulog. Huling track ang pinoy 90’s band Velvet featuring ex members
ng Bad Days for Mary (na sa huli ang hidden track ng BDFM which nairecord pa nung
dekada 90).
2nd time na nakapag-release ang Freedom Pad zine
ng quality compilation but this time outstanding ito because women power at
gender equality ang peg nito. Nag-enjoy ako sa compilation dahil busog sa diversity na hindi nakakaumay.
Hats off para sa Freedom Pad for the 100% girl effort, available pa ang CD so getchingin na ang kopya mga girls! Para sa kopya at impormasyon:
http://tiny.cc/playitfwd
http://fbl.me/playitfwd2
http://fb.com/fanmodedistro

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento