Miyerkules, Mayo 6, 2015

Timog's super summer update



Kaya nakakatamad din na mag-update ng blog dahil sa sobrang init ng panahon na kapag nandyan na yung idea na isusulat mo nalang eh biglang nawawala dahil siguro natunaw? Sabaw nga siguro talaga ako ngayong mga panahong 'to.

Anyways, ilang mga naganap ngayong summer, formally nag-launch na yung internet radio blog na The Dirty Ears Show, ang programang para sa mga timog indie artist na lumabas sa iba't-ibang social media sites, ang the Dirty Ears Show ay may feature band interview and live performance. 

Ito ang programang makakatulong sa banda para mas makilala pa natin ang mga striving bands. Forget Jam 88.3's Fresh Filter! Ito ang tunay na show para sa mga hampas-lupang bandang minsang inasam na maparinig ang kanilang mga kanta sa radio. Ang kailangan lang ay tulungan natin i-promote/share para magtuloy-tuloy ang proyektong 'to.

Maraming salamat sa mga taong nag-initiate ng progrma, kay Butch Ty, Dave "Carrotman" Usi at Paga Manikan. Oo nga pala nasa ikatlong episode na sila… unang episode? Walang-wala lang… The Boxers lang naman, 2nd episode, pwede narin, The Skeleton Years lang naman, please check nyo mga social media sites nila.

https://www.facebook.com/dirtyearsshow/info?tab=page_info

If you have any suggestions, comments or questions regarding our show, just PM, email us at dirtyearsshow@gmail.com

Speaking of TSY, after the demise of considered home of the south yung IDB Bar, parang naka RNR narin ang mga Skelechongers the past few weeks.

Sa ngayon focus siguro sa mga personal na buhay  tulad ng family bonding at initmate moments with TSY members, eeerrr… kung nag-iisip kayo ng intimate moments natural lang yun samin ng asawa ko ha? bonding time ng TSY singer/ lyricist si Mr Darwin Dacanay with couple of empi shots and truckloads of stories. And I think nakakatulong ito to keep TSY in tuck and write new material for the next EP. Abangan nyo nalang ang bagong EP at music video soon…     

At dahil dyan, nagsimula na ang mga musical projects out of boredom and outlet narin siguro para sa TSY pips, which sabi ko nga it will help the group create new material when we get  back in action.
    
Una na dito ang side project na naging main band ni Charles (TSY Drummer) ang Hey Johnny Wolf, dedicated rock group na kasama nya mga members ng Lochness/Ursa Minor. So for now mas focus sya in making music with these guys, good luck Charles. 

Akalain mong si Darwin me solo project pinamagatang 3Dees, ultra lo-fi electronic post-punk/new wave, shempre saan pa kukuha ng musical inspiration si Kulapo? Si Weng na yata ang kilala kong ultimate fan ni Ian Curtis, the Chameleons at New Order. So alam nyo na ang pinaghugutan ng EP na ilalabas nya this May, para sa mga fans talaga ng Joy Division na hindi lang nagsusuot ng tshirt na me mga bundok-bundok pero never pa nila napakinggan….heart abanghelista tayo dito mga prens! 

Robotic Wedding Crashers,  eto naman ang project na na-involve ang inyong lingkod kasama ang members ng Short Shorty, The Boxers at The Mind is a Terrible Thing. Kung itatanong nyo anong klaseng sound or type ng music or malapit ba ito sa tunog ng TSY? Nope… malayo po. Isipin nyo nalang what if kung paghalu-haluin namin yung music ng mga banda namin, sample? Melodic post-hc 90's influenced Emo na me humor ng TVJ, Gets? Ako rin hindi pa pero tignan natin kalalabasan ng EP possible by June 2015. 

Si Mavs naman kasama na gumagawa ng musika kasama ang local indie shogaze noisemakers from Blender and Slavedrum, expect na masarap na ingay ang maririnig natin jan. As for Sharen, narinig ko na me niluluto rin ng project with people from the south, pero pihado na gugulatin nalang tayo ng mga ito....dito rin ako kinikilabutan kapag naglabas din ng EP ang musical projects nila, it shows na naguumapaw lang talaga ang talent naming 5! cough*yabang*cough! Goodluck satin lahat. 

Finally, lumabas narin ang full length ng Taguig's finest ang Empty pinamagatang "The End of All Things". sana magka-kopya nako para happy hardcore! 


Rejoice mga mababangong punks! Meron na naman tayo spot dito sa South, me bagong bukas na bar sa loob ng BF paranaque. ang bonggang Checkpoint Bar along Aguirre Street sa BF. dati itong nasa Sucat pero nagsara dahil reklamo ng mga residente ang ingay ng tugtugan ng Neverdie, Banatboys atbp. 

In fact, dito gaganapin ang asian tour ng HK hardcore kings ang King Ly Chee on June, abangan natin to mga HC boys!



Sa bandang Muntinlupa, kung hindi pa kayo nakaka-tikim ng pinakamasarap na burger dito sa Timog, better go to Hey Ho garage Burgs na pag-aari ng mag-asawang punks from Batangas.kung me time kayo at nagugutom...puntahan nyo lang burger spot sa Muntinlupa at matikman ang burg heaven...ugh! nagutom ako. Me naka-pending na interview ako tungkol sa may-ari ng burg house to get more details dun sa mga food offers nila. watch out for that.

check nyo: Big Bend Street Park Homes Tunasan, 1773 Muntinlupa City 

FB: https://www.facebook.com/pages/HEY-HO-G-BURGS/486000941423165?sk=timeline

Madami pa sana ako chismis tungkol sa mga nagaganap sa south, yung iba nga nakalimutan ko na.. sabaw nga eh! Kelangan ko yata dumaan sa Hey Ho Burg at tirahin ulit ang paborito kong Timebomb with lemonade!

Till next time mga beh! 




     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento