Linggo, Mayo 31, 2015

Eyes Of Fire - 3 song rehearsal demo


"Sumindi ka ng joint at makinig ng Immortal habang naglalaba sa buong araw at habang sinesermunan ka, sasabihin ng nanay mo sayo.... anak, wala ka na ba magawa? naka-repeat play yang mga black metal at black sabbath sa stereo mo? wala ka ba ibang mapakinggan? palitan mo yan!"

Eto ang pinakamalapit na mga naramdaman ko habang pinakikinggan ko yung demo ng isa sa mga paborito kong lokal na banda sa gitnang Maynila. matagal ko na inaabangan na magkaroon ng recording ang EOF.

Unang Track "Munchie Hunt" ay tila bang sumasabog mga speakers ko. Isa sa mga nakakapag-relax na musika sakin ang tinatawag nilang stoner, sludge, southern rock, pinoy rock or whatever you call this relaxing slow-dirty-feedback drenched bluesy rock.

ang nakakilabot dito sa 3-song demo ay yung screaming black metalish vocals na tila bang kasama rin si satanas sumindi at mag-jam ng mga classic Juan delaCruz riffs. Ibang klase ang tama sakin ng demo na ito. direct blow hit kumbaga. Ipagpatuloy lang ang pambabasag mga EOF bong-boys! 

Para sa mga fans ng Eyehategod, Down, Juan Dela Cruz, Maythem, Razorback at the mighty Black Sabbath.

Libre lang ma-download pero kung sino gustong maka-score ng high grade shit demo na 'to pwede nyo sila kontakin sa facebook page nila: 
https://www.facebook.com/EyesofFireManila


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento