Biyernes, Hulyo 31, 2015

Isigaw mo at Isasayaw ko


Ang tanong ko, gaano kahalaga ang slamdancing/hardcore dancing sa isang Hardcore-punk show? As time goes marami nang naimbento o na-develop na slamdance moves since dekada 80 hanggang sa kasalukuyan, ang dami naring pangalan ng moves na tila bang isang dance steps na kailangan mo na aralin. So nag-google ako para naman din maging updated ako sa mga tawag na dancesteps.

Ayun! two-steps, windmill, spin kick, floorpunch at marami pang iba! na tingin ko naman ay ginagawa ito bilang self-expression pero madalas nagiging impression dito as a violent act dahil sa sipaan, sikuhan at suntukan. Gusto ko bigyan ng punto itong nakuha ko sa internet:

"A lesser known form of expression/dancing is hardly considered by most to be a form of dancing at all. However, this is irrelevant considering it IS a form of dancing, just to a heavier form of music. Hardcore dancing (AKA "Throwing Down") is most commonly seen at Hardcore shows which shows appreciation or approval for the bands playing. It is basically a mix of the crowd punching and kicking the air. (with the exception of 2 steps.) Although it make look like random, uncontrolled flailing, it is anything but. Hardcore dancers (or just "dancers" as known at shows) often have different styles of which they prefer to perform. Examples of hardcore dancings moves would be "Spin-kicks", "Windmills", "Two Step", among others. Other types of "hardcore appreciation/expression" at shows consist of sing alongs, pile ons (like sing alongs except on a massive level, hence: pile on) and crowd punching(a less approved form of dancing where the dancer accidently or intentional dances into the crowd hitting bystanders, this is where much of the disapproval of hardcore dancing spawns. AKA: Bottlecapping)Often associated with crews, Hardcore dancing isn't for everyone. Many people approve of it and many disapprove of it. I, myself, am an avid supporter of hardcore dancing and do it at every show. (though I do not crowd punch, people have the right to just watch the band if they want to, they don't have to get hit.)
Hardcore Dancing: Here Comes A Breakdown. Give It Your All! "

Ito ay common o ritual sa isang hardcore show, maaring hindi tayo familiar sa mga dance moves ngayon pero isa parin itong form of self-expression na hindi naman kailangan maging kritikal lalo na kung hindi naman ito mapanakit.


Pero kung ako ang tatanungin; nakikita kong part na ito ng kultura at hindi magiging masaya ang isang event kung walang dancing anumang porma or step ang gawin sapagkat wala naman talagang format ang sayaw na ito.

Maari itong ituring na isang uri ng panankit pero hindi ba parte na ito ng kultura sa tinatawag nating “scene” na may common nga tayong ginagawa para mailabas ang self-expression sa pamamagitan ng pagsayaw?  

Sa kabilang banda, personal akong nakakaramdam ng camaraderie at pagkakaibigan sa mga taong “ka-islaman” ko na kahit pisikal ang mga sikuhan, tulakan ay never naman ako nakaramdam ng pananadya unless na pinanganak na "bollocks" yung umaatend ng mga HC shows at kaya lang sila umaatend ng shows para intensyunal na saktan ang mga crowd na nagsasaya.

Sa mga dance moves naman na hindi ako familiar, yung tipong sabay-sabay na parang choreographed ay pilit ko naman iniintindi ito, itinuturing ko nalang na marahil ito na ngayon ang nauusong “sayaw”. Ang importante naman at the end of the show, meron akong natutunan, meron akong bagong kaibigan at higit sa lahat nag-uumapaw ang RESPETO sa isa’t-isa.

Balikan ko lang ang tanong: gaano ito kahalaga?  



Kung me sagot kayo mungkahi or pagkaklaro maari nyo akong padalahan ng email. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento