Linggo, Hulyo 19, 2015

Update


Kamusta mga chong!

Matagal-tagal narin nabakante ang TSY after nagsara ang IDB last November 2014 ay mistulang naging tahimik tila bang dun narin natapos ang lahat.  Pero sa tingin nyo hahayaan nalang namin ng ganun-ganun nalang?


May mga supresa kaming niluluto bago magtapos ang 2015 (pwede siguro i-taon ito sa death anniversary ng IDB? hehehe).

Mga chong, abangan ang mga magaganap sa mga susunod na buwan. Sige dahil mabait naman ako bigyan ko kayo ng konting hint? … 10 songs, music video, the making of…. In HD! Gets? Medyo mapangahas ang mga naka-linyang plano pero its doable naman kaya abangan.


Will keep things posted dito sa blog na ito. As of now i-enjoy nyo muna yung discog sa bandcamp page.  

Continent Records medyo matumal ang mga galawan nung nakaraang mga buwan pero lately ay naglabas ng music video ang Lindenwood in preparation siguro sa bagong release? Hopefully ngayong taon rin. Please check: https://www.facebook.com/LindenwoodPH?fref=ts.  Ang Smallhands ay naka-set magkaroon ng release split with Fil-Am US based band Ordinary Neighbors ngayong July pero kayo makakuha ng kopya through Left Hand Path Press/Distro: https://www.facebook.com/LeftHandPathPress?fref=ts 

90’s Math/Emo revivalist The Mind is a Terrible Thing nakakasa narin mag-release ng full length this year, abangers tayo dyan. 

Kamakailan lang ang Sleepingboy Collective c/o Tim Adartse  ay nag-organise ng show para sa US based screamoHC band Dangers, astig ang effort to put up a show para sa mga non-asian touring band. Please suportahan natin sila.

Isa pang kolektibong dapat suportahan ang mga kapatid natin sa Norte, Pampanga ang Eksena Lokal Radio 91.9 Bright FM at Notorious Scene https://www.facebook.com/eksenalokal?fref=ts para sa initiative magkaroon ng programa sa radio na para sa local UG bands.
  


Nakakatuwa lang despite na mahirap tayong bansa ay may mga ganito pang klase ng collective na tumutulong sa maliit nating eksena na walang hinihintay na kapalit. Salamat sa inyong lahat.  

Marami pa tayong pasasalamatan mga chong, hanggang sa susunod...  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento