Taon-taon na itong Earth Decay, actually 2 yung independent
music fest ang nangyayari sa aking bayan,
Yes! Proud na proud ang lolo mo na taga-San Pablo City, Laguna. Isa rin kasi
ako sa mga audience, organizer, banda at nagsulong ng independent music, hindi
lang po na focus sa punk, hardcore at metal. Konting kasaysayan sa aking bayan,
1994 nagsimula mag-organize ng mga local shows at nabuo rin ang collective ng
bands, artist individuals with the same intent na mag-bukas sa mga locals na
meron existing local independent bands, artist.
Fast forward, meron na kaming Earth Decay, eco music fest
every October (ayon sa organizer ito yung buwan para magkaroon ng environmental
awareness), bukod sa mga banda, me invited speakers din na magsasalita tungkol
sa kalikasan at me konting film showing, bongga itong festival kung gusto mo ng
malinis at malamig na hangin, astig na music at masarap na kape!
Yung Lakefest talaga ang inaabangan ng marami, madalas year
ender or starter (December o January) ginaganap.
Sa susunod maglilista ako ng mga lugar sa San Pablo. “hot spot places” na recommended puntahan, tapsilugan, coffee shop, isawan, tattoo parlor, tindahan ng mga stuff (skateboard,tshirts etc). Sa susunod mga atech!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento