Huwebes, Oktubre 4, 2012

Neverdie - Posterboys ng Manila South

2009 ko yata unang nakita at narinig ang mga batang ito. 2 beses na naimbitahan ang Legarda sa prod nila Tani (Neverdie vox). Sa una aaminin ko medyo nababawan ako sa mga antics at music nila marahil nga ay nasa stage pa sila ng pag-discover ng sarili nilang sound. Alam ko, isa rin ako sa mga batang minsan ay nakikipagtalo kung ano ang mas PUNK nung dekada 90. Naging alipin ako ng 90's punk (NOFX,Rancid,Face to Face,Blink182,) at 90's alternative (Tool,Janes Addiction, Pearl Jam, Dinosaur Jr.Samshing Pumpkins etc),sabi ko sa sarili I want More! dito narin nagsipag maghagilap ng mga un-discovered artist, DIY labels (Jade Tree, Revelation records etc.)

I see myself through these kids!  Bakit? 
  
2012 - Aurora St. EP - Fast forward, ang laki ng agwat ng edad nila sa ngayon. Neverdie ang nagpatuloy ng tunog 90's emo-punk. Time warped ako sa bagong timpla, naramdaman ko mga bagsakan ng Texas is the Reason, The Getup Kids, Mock Orange at Hot Water Music. hindi ako masyadong pamilyar sa mga 90's revivalist pero nabanggit nila ang Transit, Title Fight, Wonder Years at Balance and Composure. Isa sa nakakabilib mga batang 'to yung DIY ethics, kung anuman yun...next time ko na tatalakayin, set ako ng interbyu sa susunod

In the meantime, subukan nyo makakuha ng CDEP nila.

 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento