Tamang nakasingit naman ako ng ilang tanong kay Tani (vocals/guitars) para alamin ang tungkol sa kanila. Salamat Tani and Neverdie boys! (ang lahat ng litrato ay kinuha sa kanilang FB)
· Hindi ba kayo sanay sumagot ng tagalog? Mga laking aircon kayo diba?
- Oo e. Haha! Personally hindi talaga ako articulate na tao lalo na napaka ganda at complicated na language ang Tagalog. Gusto ko sana sagutin to ng hindi conversational Tagalog gamit ko kaso hindi ko kaya! Hahaha!
· Magpakilala ang isa’t-isa at ang mga instrumentong tinutugtog
- Ako si Tani, guitarista at vocalist ako. Si Bren at Degs guitarista rin. Si Ralph sa vocals at bass tas si Gabba sa drums.
![]() |
| Tani |
· Himayin natin kung pano nabuo ang Neverdie. Anong istorya ng pangalan ng banda?
- Sa totoo lang, kung may chance ako makapag time travel, palitan ko sana yung pangalan pero ok na rin ngayon. Yung Neverdie kasi, nagsimula yan as a skate crew nung 2004. Pinangalan yan sa DIY skate site ng kaibigan namin (kung nasan ka man ngayon, miss ka na namin, kinain ka na ng buhay ng corporate world). Eventually, nagka members kami sa crew na marunong tumugtog so kinuha na rin namin yung pangalan at ginamit sa banda.
· Nagustuhan ko yung EP “aurora st” anong istorya ng pamagat ng EP nyo?
- Ang "Aurora St." ay yung lugar kung san kami nagsskate lagi. Parang alternative home siya sa akin kasi madami akong moments na kelangan ko lang pumunta dun kahit mag isa lang. E yung locals galit rin sa mga skateboarders tas yun lang yung lugar na hindi kami masyado pinapansin.
· Naiba yung “style” nyo ngayon, naalala ko dati kayong blink-182 tribute band, mga 2008? Ngayon mas in-line kayo sa 90’s melodic emo/alternative punk. Pede nyo ba i-share yung transition nung sound nyo ngayon?
- Hindi naman kami necessarily Blink tribute band noon, dalawa lang kaya namin tugtugin na Blink. Hehe! Wala lang talaga kami songs pa nun so yun lang muna
Nagkaroon kami ng major lineup change. Yung lumang bahista kasi namin yung co writer sa Neverdie. Ang direction na trip niya dun straight punk / ska talaga. Positive lyrics pa rin. Bago namin irelease ang Reach The Sky yan. Eventually tinanggal ko rin siya kasi nagkaroon kaming strong personal issues na nakasira pagkakaibigan namin. Sa totoo lang no regrets kasi lahat kami mas masaya sa ngyari.
Nung wala na siya, nagsimula na kami sa new songs tas nag tunog mas melodic and somber siya. Nag simula yun sa "Honesty". Dun namin na realize ni Gabba na dun talaga kami masaya. Eventually hinaluan na rin namin ng melodic hardcore, post rock tsaka indie influences. Nung sumali si Ralph, nagprogress pa kami further. At this point, eto talaga yung gusto namin gawin.
![]() |
| Degs |
· Top 5 records na naka-impluwesya sa sound nyo ngayon.
- Actually, puro bagong records yung influences namin ngayon pero yung records na yun mostly 90's influenced. Medyo mahirap pag lima lang so sabihin ko na lahat ng naging influence sa amin sa bagong tunog. Konte lang naman!
Transit - Listen and Forgive / Keep This To Yourself
Title Fight - Last Thing You Forget / Shed / Floral Green
The Wonder Years - The Upsides (malaking influence sa lyrics)
Have Heart - Songs To Scream At The Sun (malaking influence rin sa lyrics)
Toe - (Kahit anong record)
· Maiba tayo, nakita ko mga gears/instrument nyo at medyo madami yun, pwede nyo ba i-share kung ano gamit nyo ngayon?
Try ko tandaan lahat hehe
Akin (Tani):
Akin (Tani):
Fender Telecaster Blacktop MIM 2011 upgraded with Graphtech parts tas naka Seymour Duncan Prails sa Bridge. DiMarzio Cliplok.
Fender Telecaster Standard MIM 2010 upgraded with Graphtech parts and DiMarzio Cliplok
Fender Telecaster Highway One MIA 2010 stock. Naka DiMarzio Cliplok
May Ibanez GRX40 ako na naka EMG sa bridge and repainted pero di ko na siya ginagamit. Yan yung gamit ko nung 2009 until early 2010. Madami rin ako pinagdaanan na ibang telecasters.
Peavey Bandit 112 100 watts 1x12 speaker
(Pedalboard)
Joyo Tremolo
Mooer Shimverb
Boss DD7
MXR 78 Distortion
BBE Boosta Grande
Joyo EQ
Artec Volume Pedal
Artec Analog Delay
Korg Pitchblack Tuner
Boss Noise Gate
Sansamp British
Boss Fender Deluxe Reverb
Boss FS-5U
Shure PGX14 Wireless
One Spot power supply (2 pcs)
Ralph:
Squier MIJ Precision Bass (early 90's model ata). Upgraded with DiMarzio pickups (precision and jazz pickups) and Badass bridge. Naka Elixir Strings rin siya and DiMarzio cliplok.
Degs:
Squier Telecaster Limited Edition patterned after sa '52 tele. Naka DiMarzio cliplok rin.
Epiphone Dot Studio. Naka DiMarzio cliplok rin.
Squier Precision Bass '96 upgraded with Seymour Duncan Quarter Pounders. Naka Elixir Strings at DiMarzio cliplok (pag kelangan lang niya mag bass)
(Pedalboard)
Visual Sound Route 808 OD
Artec Twinhead Distortion
TC Electronics Nova Delay
Boston EQ
One Spot power supply
Gabba:
Pearl Joey Jordison Signature Snare
Zildijian Cymbals
Bren:
Squier Telecustom. Naka DiMarzio cliplok.
Custom made Les Paul Custom. Naka DiMarzio cliplok rin.
SX Telecaster modified para maging hybrid ng Thinline Telecaster at Telecustom.
(Pedalboard)
Boston EQ
Joyo Digital Delay
MXR 78 Distortion
Joyo British
Boss Fender Bassman
Ibanez Tuner
One Spot power supply
· Me niluluto ba kayong album? Full length? Recommend ko yung crap studio, pede ko kayo tulungan.
- Yup! Full length na balak namin. Hopefully magstart kami mag record by November! Sa ngayon balak namin magrecord muna sa Easy Audio Recording which is yung studio ni Paga ng Banat Boys / Mayonnaise pero open rin kami to other options. Ang title ng LP namin ay "Life I Lead". May album art na rin sa FB page namin. Originally LP na dapat irerelease namin this year e kaso naging sobrang busy kasi yung EP, kami kami lang rin mismo nag record at mix (pero yung bass at drums sa Cherry Studio BF). Medyo time consuming masyado so balak namin mag record na outside.
· Anong masasabi nyo ngayon sa eksena? Particular sa south manila and southern Luzon?
- Paborito ko yung San Pablo scene. Dun lang talaga namin naramdaman na parang tanggap kami. Pero excited ako sa lahat ng scenes sa areas natin.
![]() |
| Bren |
· Why DIY? Care to explain? Ano mga pwede nyo inputs sa DIY hardcore/punk/indie scene?
- Extremely personal na banda ang Neverdie sa amin. Ayaw namin na may ibang nag hahandle. Gusto rin namin na aware kami sa lahat na ngyayari at kung anong gigs ang pagtutugtugan namin.
Nung nagstart Neverdie, wala rin gusto kumuha sa amin para sa shows. So kami na rin mismo nag produce ng gigs. Hanggang ngayon ginagawa namin yan pag walang kumukuha sa amin.
DIY kami dahil sa mga rason na to:
1) Naooverlook namin lahat
2) Lahat ng decision making kami nakakagawa.
3) At the same time, yan yung guiding light namin sa decision making rin.
4) Para malaman namin at ma prove sa sarili namin na pinaninindigan namin yung banda and yung sound namin.
5) Mas nagiging personal yung banda kasi lahat ng intricacies ng Neverdie, kami may gawa.
6) Masarap yung feeling mag self release ng records.
Para sa akin ang DIY, malaking aspect yan sa buhay in general kasi natutunan mo talaga yung maliliit na bagay. Siyempre to a certain extent, hindi mo naman kaya gawin lahat on your own. I guess, as much as possible, kung kaya mo gawin on your own, gawin mo. Pero kung kelangan mo ng outside help, then do it. Opinyon ko lang to siyempre and gusto ko rin sana marinig input ng mga tao pag may chance.
I guess input ko lang, work hard talaga. Kung tingin mo tama ginagawa mo at kung tingin mo yan yung best representation ng sarili mo o ng banda mo, gawin mo. Kahit na yung ibang tao hindi sila nag aagree sayo gawin mo pa rin. Wag mo gawin para sa ibang tao, gawin mo para sa sarili mo.
· Me mga local bands ba kayo na recommended? Why?
1) Legarda - Siyempre! Naging influence rin kayo sa amin kasi gusto rin namin ma channel yung same level of honesty, intensity and sincerity sa amin.
2) Iya - Magaling lang talaga e tsaka sobrang bait!
3) Cubicles - Late 90's early 2000's pop punk sound. Bihira na to ngayon!
4) Banat Boys - Extremely hardworking band.
5) tide/edit - Isa pang magaling na banda at mababait rin yung members.
· Salamat mga bata! Shout out para sa mga taga-south!
Salamat sa lahat na nagdownload ng mga records namin at nanood ng shows. Sa mga tumulong sa amin, sobrang naappreciate namin yan kasi nung nag simula kami wala talaga gustong tumulong sa amin. Maraming maraming salamat.
Sa lahat ng tao na sinubukan kami pinakinggan at hindi nagustuhan, maraming salamat rin. Malaking bagay na rin sa amin yan.
Maraming salamat rin sayo men! Salamat sa opportunity na to.




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento