
“Kahit ngayon mismo
mawala ang eksena wala akong pakialam” – Reypeace Bravo sometime 1999-2000
Simula nung narinig ko sa kanya yun, napa-isip ako, ito yung
panahon na ang lakas ng eksena sa Laguna, bakit naman nya sasabihin yun? Meron ba
sentiments,kagalit na banda si Bravo?...na kung makapag-salita eh parang hindi sya
part ng Laguna scene? Panahon din yung ng scene politics, punks vs metal, drunk
punks vs sxe hardcore kids, political anarcho crustpunks vs middle class
hardcore kids. At nandyan din yung straight forward/vocal na mga tao na
simpleng ayaw nila sa ginagawa ng mga banda. Napaisip ako...ganun ba si Bravo?
Considering na institution narin ang tingin sa kanya ng Laguna kids (note:
Biofeedback, zine maker, corporate saboteur etc).
![]() |
| Neverdie |
Earth Decay 2012 experience. ilang months na preparation, mga
kaibigang tumulong sa event (starfish music and green peace) at sponsors.
Maganda ang venue, maayos na sound system, masasabi ko na all systems go.
Bakit manipis ang crowd? Bakit halos walang local kids? Anong
nangyari?
During the show, si Utol (event organizer) nagsalita sa stage
tungkol sa event, at nag-lecture sa mga audience kung ano ang HC/PUNK at
direktang pag-hit sa bandang "A" hindi nya type. Teka lang ha? Mukhang hindi yun
ang venue para mag-lecture kung ano ang HC/PUNK? Alam kong konsepto ng isang
“MUSIC FESTIVAL” ay para sa audio satisfaction ng bawat audience? Granted, may ibang input ang music fest katulad ng environmental awareness, social media
networking, DIY merchandise etc. Which
is mas maganda.
May ibang venue ang pagtalakay o discourse tungkol sa
pulitika ng eksena. Marami akong nakitang reaksyon dito, may mga nainis, may
mga napa-isip, may nahiya (habang nagsasalita si Utol, sinadyang patayin ni Kat ang video ng camera nya para maiwasan ang gulo..Kat ng SFM salamat sa initiative) at mas
marami ang walang alam kung ano ang nangyayari. Sino ba yung binabanggit ni utol na banda? Ano ba talaga ang intension ng event? Para ba ito sa tao na
gustong panoorin yung mga paborito nilang banda o para sa scene politics at
hate campaign? sa tingin ko marami sa crowd na umaatend ng DIY shows ay isa lang ang intensyon, walang alam sa pulitika ng banda (kung meron man) at wala na halaga yung lecture
within the set dahil ang pangunahing intent ay mapanood yung paborito nilang
banda.
At dito biglang nag-flashback yung mga sinabi ni Rey Bravo.
Hindi totoo na wala na sya pakialam sa eksena bagkus may pakialam sya...he
really cares about the local scene, ang sinasabi siguro nya is ayaw na niya ng
scene politics, kahit magkagulo-gulo ang eksena dahil sa mga awayan ng
personalidad, banda etc. ay wala siyang
pakialam. Reypeace Bravo is HC/PUNK para sakin, walang angas sa katawan, walang
pulitika (pero astig magsulat ng kanta). Ang local scene sa kanya ay pamilya at
kaibigan lang mapa sikat na banda ka or super underground DIY punk ka. Pati sa
pagbigay ng opinion tungkol sa DIY HC/Punk scene ay nakakatuwa (me humor
palagi). Si Bravo yung taong walang pakialam sa scene politics basta ang
mahalaga ma-express nya ang sarili or opinion sa mga tao. Ang tingin ko kung
nabigyan ng chance ang Biofeedback or Barrier makatugtog sa PULP ay walang
dalawang isip si Bravo na tumugtog.
![]() |
| SFM People |
May kanya-kanya tayo ng opinion sa punk/hardcore at sa tingin
ko hindi natin pwedeng isubo sa bawat audience ng show ang personal na opinion.
Tulad nga ng narinig ko kay Utol na ang hardcore ay hindi lang music, kailangan
critical ka mag-isip. Si Utol napaka-opinionated na tao pero kailangan din
siguro maghinay-hinay sa pagpapahayag ng opinion lalo na kung hindi na kung
hindi mo matatanya mga crowd mo.
Anyways, show review nga pala ito ng ED2012, Medyo manipis ang crowd hindi
tulad ng nakaraang ED Fest. Maraming hindi nakadalong invited bands. Highlights
ay yung mga taga Manila south. Molar at Neverdie, mararamdaman ko yung 90’s
emoish/rock vibe as well as new sound ng Transit, Title Fight etc.
Bystorm nagbigay ng konting init sa crowd sa mga kanta nila
mala-Integrity sound plus ang ganda ng Tshirt na binebenta nila.
![]() |
| ED Merch Section |
Nagkaroon din ng maikling paliwanang tungkol sa environmental awareness galing kay Chuck
Baclagon ng Green Peace at nag acoustic solo performance din. Isa mga paborito
kong part sa ED2012.
As usual, West ang nagpainit sa crowd sa mala-NY style riffs
na kanta. Teka...wala pa pala akong CD nila?
Astig din yung death metal band ni Ian Cuevas. Pero ang
pinaka the best part yung set ng Ginseng Luzon (nagbigay din sila ng CD nung
araw na yun). Malupit ang set ng GL as in! Me CD review ako nito next time. Me potensyal yung grupo ni Utol na "Of Wolves and Swine", medyo in-line sa tunog ng Kill Ratio.
After ng mga bisitang banda nag-desisyon nako umuwi, hindi ko
na pinanood yung mga locals standout, wmh, chilidogs, forfeit marahil pagod
narin ako.
![]() |
| BYSTORM |
Last words...naging malinaw sakin na meron parin tayong malaking
pader sa eksena. Marami pa rin tao ang sarado, sana iwan na natin yung
mentalidad na mas “mas punk ako sa inyo dahil tumutugtog ako sa DIY shows, mas
HC ako dahil hindi ko sinusuportahan ang PULP”. Pwede naman siguro wala lang
tayo pakialam sa mga banda or eksena nila. Wag na natin sila bigyan ng oras dahil simula't-sapul..hindi sila part ng "ATING" eksena. Chillax
lang mga kapatid.
Mga pagkain ko habang sinusulat to:
Earth Decay 2012
Pearl Jam – Rearview mirror
Ginseng Luzon – Trauma Bonding
Settledown – ST
Gaslight Anthem - Handwritten
Walking Dead – Season 3, Episode 4
Reypeace Bravo – sana umuwi ka na...nakakamiss ka
WASAK episodes ni Lourd de Veyra
Interaksyon news website: http://www.interaksyon.com/
Mga chismis sa FB Groups na tinatawag nilang "Geeks"
Pearl Jam – Rearview mirror
Ginseng Luzon – Trauma Bonding
Settledown – ST
Gaslight Anthem - Handwritten
Walking Dead – Season 3, Episode 4
Reypeace Bravo – sana umuwi ka na...nakakamiss ka
WASAK episodes ni Lourd de Veyra
Interaksyon news website: http://www.interaksyon.com/
Mga chismis sa FB Groups na tinatawag nilang "Geeks"





Walang komento:
Mag-post ng isang Komento