In D’ Box – 3rd
Floor Richland Commercial Bldg. along Sucat Paranaque, halos 2 taon palang yung
operation pero malaki na yung contribution sa Manila South independent music scene. Halos lahat kasi ng
venues para sa mga independent artists/bands is focus sa Quezon City at Makati.
So karamihan ng mga taga south ay pumupunta pa ng Makati or QC para makapanood
ng mga shows, maraming sumubok mag-bukas ng mga venue sa Manila South pero
eventually nagsara narin. IDB ang isa sa mga venue sa south na bukas sa local independent acts.
Si Chief Sharen,
owner ng IDB, sya rin ang floor manager, technician, chief cook at bouncer sa
bar.sya rin ang isa sa nagbibigay ingay sa Legarda. Salamat Chief!
· Saan nag-mula yung IDB, bakit yun ang
naisip mong pangalan ng bar?
lahat kasi ng naisip ko na dapat
ipapangalan sa studio e hindi pwede.. so pinaubaya ko na lang sa ermats ko yung
pangalan.. nagulat na lang ako sa napiling pangalan. INSIDE D' BOX, ang sabi ko
nung una ay "anu yan? JACK IN D BOX?. kaya pina-ikli ko na lang kaya sya
naging IDB.
·
Alam ko dati and IDB isang rehearsal
space para sa mga band practice. Bakit ka nag-decide i-convert sa bar/venue for
production gigs?
mahirap kasi makipag sabayan sa mga
matatagal ng bukas na studio dito sa sucat area, dun pumapasok yung loyalty ng
mga banda sa kani-kanilang paboritong studio. 6 months after ko mag bukas..
WALANG KITA NA PUMAPASOK. kaya nag desisyon na akong gawin itong studio/bar
para naman kahit papaano e may pumasok na kahit na katiting na kita para sa IDB.
· Gaano na katagal nag-ooperate ang IDB
bar?
isang taon at anim na buwan ng bukas ang IDB (batang-bata)
·
Kapansin-pansin yung ambience ng
lugar, lalo na yung mga paintings/art nakapaskil sa mga pader. Ikaw ba ang nag-paint? Me ibig sabihin ba yung
mga naka-display sa bar mo? Paki-share naman yung mga artist na tumulong sa mga
paintings at decor.
yung ambience? isipin mo na lang na
pumasok ka sa kwarto ko.. goodvibes dat lahat.. halos lahat ng iyon e ginawa ni Rod Rehante, bilib ako dun sa kaibigan kong iyon. may mga artist's din na
namigay ng kanilang mga obra.. gaya nila Felix Rosales at Sharee Thurston..
mostly eye candy yung mga drawings, walang meaning.
·
Ilang tao capacity ng venue?
kaya cguro 90 to 100 basta lahat NAKATAYO.
hahaha! pero seryoso kaya ng idb ang 80 mahigit na tao, may naka-upo at
nakatayo.
·
Punta tayo sa services, me in-offer ka
menu na kakaiba sa ibang bar? Pwede mo ba i-share yung mga food/pulutan at ano
yung specialty ng bar na babalikan ng mga tao?
madalas yung nacho grande at yung
potato wedges yung madalas inoorder.. pwede naman sila mag request ng mga
pulutan bsta ba may 1 week notice para sa amin. meron nga umorder labas sa
menu. 12 inihaw na manok. ftw!
·
Yung rate ng bar rental is
napaka-affordable para sa mga production na gustong mag-set ng show sa IDB,
intentional ba ito para makatulong sa mga artist/gig producers? Ano ang
konsepto ng murang bar fine?
ang konsepto ng murang bar fine e
dapat parehong parties e may kikitain.. di lang yung bar mismo.. pero sana
maintindihan din ng mga nagpapa-prod na mas maraming bayarin ang may ari ng
lugar, kuryente, tubig, renta, pasweldo sa mga tauhan ng bar etc.. yung rate ng
venue ko is sa tingin ko ay sakto lamang. 2.5k (pwesto at gamit) para di
gaanong mabigat sa bulsa ng mga nagpapagig. domino effect kasi pag minahalan
mo.. mamahalan mo.. dadamihan nila yung line-up ng banda nila. kawawa namn yung
gamit ko diba.. 2.5k tas 8 banda solb na..
·
Isa ka sa mga young entrepreneur na
pumapasok sa negosyong ganito, kamusta yung turn-out? Diba every weekends lang
yung operation? Kumikita ba? Mahirap ba pumasok sa ganitong negosyo? Kamusta
ang overhead expenses?
naku di na ako young, haha dinosaur
na pow akow, haha! yung turn-out? well masasabi ko lang na love and hate ang
sitwasyon. about dun sa kita e.. break/even lang kung minsan.. ngayon kung may
konting kita e napupunta din sa mga gamit.. (drum skins, strings, sticks etc)
di naman mahirap ang ganitong negosyo as long as marami kang kakilala at mabait
ka, maganda makitungo sa kapwa. overhead expense? cheuy! hanggang ngyon
nagbabayad padin ako sa mga gamit ko. haha.
·
Bilib ako sa dedikasyon mo na tumulong
sa mga banda nagsisimula palang, bukod sa napaka-artist friendly yung lugar,
hindi ka namimili ng mga production. Me mga naging karanasan ka na ba na hindi
nakabayad ng bar fine mga producers ng show? How do you deal with it?
Uy salamat kung sa tingin mo e
artist-friendly yung idb. wala akong pinipili na prod. kahit pa kundiman mga tugtugan
nyo pwede kayo sa IDB.. music is music.. dapat open ka sa lahat ng mga
bagay-bagay.
naku meron na.. well may first time
naman sa lahat e.. how do i deal with it? well una di ko na lang ito pinapansin
naway maging leksyon na lamang ito upang di na maulit muli.. kasi kung maulit
pa ito SHAME ON ME.
·
Naging bahay na ang IDB ng mga local
bands tulad ng Legarda, Neverdie, Iya from Batangas, Monochrome, Serefamus.
Bukod sa mga bandang nabanggit me mga gusto ka pa ba i-lineup sa IDB?
malaking pasalamat ko sa mga banda na
tumulong ikalat ang panagalang idb.. yang mga nabanggit mo na banda e malapit
yan sa puso ko.. madami pa akong gusto tumugtog sa idb.. sa sobrang dami baka
di na mag kasya dito.
·
Ano ang nakikita mo sa development ng
IDB 3-5 years?
hmmmn.. the future is uncertain.. pero wish ko
lang wala na ako sa 3rd fl. lipat ng venue within the area.
·
Salamat sa pagsagot ng mga tanong.
Shout-outs, promote na yung IDB bar, contact# para sa mga gig producers na
interesado sa venue.
At salamat din sa mga tanong mo Ebong.
IDB is d best yo! our rates is
affordable but it doesn't mean we're cheap. Here’s my number, call me maybe? -
0922-867-8938
FB page: http://www.facebook.com/insidedboxph






Naiimagine ko yung pagkasabi ni Sharen ng "Shame on me"
TumugonBurahin