
Ang nakakahinayang yung hindi ko pagdalo sa last show ng
Tame The Tikbalang, ang huli ko nakitang magkakasama sila Russel, Boyet, Mally
at Albert (o si John Carpio na yata...) ay dekada 90 pa. Kwento ko lang na
malaki ang impluensya ng TTT sa musical taste ko. TTT ang reason kung bakit
nahilig ako sa black afro-rock music (bad brains, 24-7 spyz, fishbone, living
colour), sa blues (BB King, Hendrix,Muddy Waters) at Soul RNB (Jackson 5,
Lionel Ritchie at Boyz2Men), isama narin yung old school funk (parliament,
bootsy Collins, earthwind&fire)
Maituturing na bayani ko ang TTT sa sa paghubog ng musical
taste at pag-impluensya sa mga kasama ko na tumugtog ng mga negro influenced
music. Yung HS band ko dating grunge punk influenced ay pwersahan kong i-pilit
tumugtog at mag-appreciate ng ibang music (mostly black music).
Learning process yung development from basic punk to full-on
negro music. Malaking paslamat ko talaga sa TTT at napanood ko sila ng live,
naalala ko pa ang mga reggae dance steps ni Russel na talagang napahanga ako.
Nakakatawang experience since mga bata pa kami ay aggressive
kaming matutunan ang level ng musicality tulad ng funk, jazz, hip-hop,
reggae/ska na hindi lang sa 3 chord pattern umiikot mga kanta (since na punk
based nga yung original band ko). Nang dahil sa Tiks nag-focus kami tumugtog ng
instrument (although walang formal training mga kasama ko, sa mga instructional
videos lang at reading materials tulad ng guitar mag ang resource, shempre
practice makes perfect daw).
Since nasa probinsya ako, nakakasagap lang ako ng balita ng
Metro Manila rock scene sa Rock and Rhythm mags at sa local channel tulad ng
music bureau. Ang balita sa ko ay ang lakas talaga ng Tikbalang sa crowd sa
Club Dredd. Madalas kapag set na ng Tikbalang ay panigurado may riot.
Syempre naiisip ko sana makapunta ako sa mga gigs ng
Tikbalang para ma-experience ko man lang yung set ng Tiks. Nang dahil sa Tiks gusto ko dati mag-pa
dreadlocks ng buhok
Nakakatawang experience 2 ay yung i-pilit ko sa mga ka-banda
ko ang tumugtog ng mga kanta mula sa Living Colour, Bad Brains at 24-7 Spyz
(particular yung tinutugtog ng Tiks “grandma dynamite”). Nang dahil sa Tiks
kaya kami nabansagang local version ng TTT sa SPC at very proud ako dun... idol
nga eh!
Nakakalungkot lang na hindi ko na-witness yung huling tugtog
nila. Kailangan ko kasi mamili kung manood ng last show or hanap-buhay.
Pero tuloy lang ang buhay, magkikita-kita parin tayo... baka
nga Kapre na ang i-tame nyo.
Busy sa pakikinig ng:
TTT: forever shall be
24-7 Spyz: harder than you, strength in numbers, face the
day
Bad Brains: Banned in DC
Fishbone – truth and soul
Boyz2Men - Legacy

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento