Linggo, Nobyembre 16, 2014

GOO - In Goo We Trust



Isa sa mga influence kong pinoy bands nung mid 90s ay naglabas na ng full length album, for all these years bukod sa 2 track sa Alpha Numeric Sampler, ngayon lang sila nakapaglabas ng album, mahigit sa 15 years ko sila inaabangan simula pa nung Club Dredd days at isa sa mga dahilan kung bakit lalo kong pinagbutihan ang pag-papraktis mag gitara dahil sa naging progressive na “3 chord pattern” ang  PUNK music as I realized it when I listen to Descendents, NOFX and Operation Ivy nung 90’s. 

At nung resurgence ng punk sila Jay + Casey Santos, pinoy underground drum legend na si John “Porky” Carpio ang mga skilled musicians playing punk rock music. Muling nagbalik sa aking alaala ang mga Descendents/Face to Face covers nung panahong ang kasabay nila sa Dredd ang mga death metal bands, scary right? 


Never have to change the style even though almost 2 dekada na nakakalipas tight parin ang music ng Goo, a lot of it reminds me of my favourite bands during my young age tulad ng Descendents, Bad Religion, No Use For a Name, Face to Face, Ignite, Farside at me hint ng 80’s rock feel in which all of them has a huge musical influence sakin during my post teen years. Fresh pa sakin ang music ng Goo that time when i shave my head and sporting those loose bad religion shirt and pair of low chuck taylors attending local punk shows.
   
Although may time na tumigil sila pansamantala to focus on their personal lives. Now they’re back and even better, kasama nila ang isa sa mga ace punk drummer na si Spyk Maniego (Throw, Go Signals).

Highlights parin yung 2 kanta nasa Alpha Numeric Sampler (Itchy Bitch, Think of the Past) pero na-struck talaga ako sa Time of Day with two versions. Habang pinakikinggan ko parang ang bilis ng panahon pero ang haba ng hinihintay mo para matapos ito. Picture nyo? Catchy songs tulad ng Never about Me, Stick, Worthwhile will never be missed sa album na ‘to. “Little you” akala ko mauumay nako sa bilisan ng paluan pero nawindang ako sa galing ng song structure; level-up na yung maturity ng kanta.

Time warped ang experience sa  buong album na ito tulad din ng karanasan ng mga 90’s punks kung san striving ang acceptance sa mainstream media kumpara ngayon madali na maging punk because of internet access hindi tulad dati talagang struggle maka-attend ng shows, makakuha ng mga music resource, zine trading at network around the globe. Salamat sa Goo at nai-dokumento nyo ito sa album nyo, ngayon meron na tayong alaala ng glory days of 90’s pinoy punk scene.


       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento