Chong's not Dead! Yan ang pinapatunayan ni Mr. Darwin Dollente Dacanay
aka 3Dees sa EP na ito. Tila bang time warped ako sa mga kanta dito, kung
nakikinig ka ng 80's goth, post-punk new wave with lo-fi electronic drum
beats.
Hindi ko alam kung anong klaseng animal 'to at kung saan humuhugot ng
inspirasyong gumawa ng mga ganitong klaseng obra. Pero kung kilala nyo si Mr. Dacanay, sa dami nya na ginawang kanta at musical projects, isa-isahin ko pa ba?
O sige para lang sa kaalaman ng ibang hindi sya kilala. Richard Collier, Sunday
Driven Holiday, For Old Times' Sake, Hand Painted Wall, Backfist, Age of
Decomposition, Veranda, Diablong Buang, The Skeleton Years at marami pang iba.
Karamihan dito me recording output kaya expected ko rin na pwede narin sya
maging solo artist tulad nila Bamboo at Rico Blanco.
Sa solo project na ito, mamangha kayo na si Darwin ang tumugtog at naglapat lahat ng instrumento at kumuha ng mga samples para sa EP. DIY home recording
lahat dahil literal na sa bahay lang nya talaga binuo from mixing at
production, at kung ako nga rin ay nagulat at hindi ko akalain na makakagawa
sya ng ganito in 1 week. Yes mga kapatid 1 linggo lang nya ginawa itong EP na
ito.
Anyways, unang track palang ay feel mo na heavy influenced ng Joy
Division/Sisters of Mercy ang EP. Kung sa tutuusin bonus na rito ang version nya ng "Love
Will Tear Us Apart" and sasabihin ko sa inyo kahit lofi lang ay
maituturing ko na legit ang pagkaka-cover nito.
Kaya sa mga fans ng Joy Division, Sisters of Mercy, Depeche Mode, The
Chameleons, The Smiths and the likes…do yourself a favor, i-download nyo ito at bihira lang
tayo makarinig ng ganitong music sa panahon ngayon.
Download for Free: http://www.mediafire.com/download/hk9zzos77fzucb1/3Dees+-+Left+Alone+EP.rar

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento