Linggo, Disyembre 23, 2012

Abangers para sa 2013

Naka-sagap pala ako ng inside scoop na me mga maglalabas ng mga pasabog sa 2013.

Unang pasabog: ang matagal nang inaabangan ko sa tatlong grupong malakas sa mga "hipsters" at mga nag-fe-feelingan sa "indie scene" dahil patok daw di-umano ang mga instrumental post-rock bands. so sana mai-labas na yung 3-way split ng Monochrome/Tom's Story/Legarda. So abangers nalang muna dahil ang plano ay magpapa-party at magpapa-mudmod ng CD sa kanilang release.

Pangalawang pasabog - Neverdie full-length, aba'y its about time noh?! Dumadami na kaya ang fans nyo mga pogi! Abangers tayo jan....

3rd Pasabog: Continental records sampler - Manila South represent! Sa isang kontinente nabibilang ang Paranaque/Las Pinas/Muntinlupa. Konting push at makakamit na ang tagumpay.

Huling pasabog: EP ng The Skeleton Years...sino ba itong mga 'to??? wink;P

 

Happy New Year sa inyong lahat!

Pampagising:
Imported na kape
Teenage Fanclub - Grand Prix
Pandesal at Cheese Spread
Full set video ng The Skeleton Years c/o Crapsalad: http://crapsalad.wordpress.com/2012/12/22/the-skeleton-years-2012-12-21/


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento