Huwebes, Disyembre 13, 2012

CD Review: Settled Down – ST


Settled Down – ST

Ala eh! Punk rock ba kamo?!! Walang kakupas-kupas ang mga buwiset sa Bauan, Batangas.. 3rd release na nila ito. Siyam na kantang busog at masikip pa sa 32 waist-line ng maong ko! Syempre yung trademark ng kalbong bokalista na off-tune na sa umpisa ay nakaka-irita pero masasanay ka narin pag-tagal (pangkrak nga eh!)

Hindi ko mahiwalay yung Tim Armstrong/Rancid style na vocalization ni Tagne pero me ibang input din naman (napansin ko  me element ng lumang Face to Face, AlkalineTrio at Hot Water Music).  

Ilang lumang kantang isinama nila sa album. Lahat ng tracks ay nirekord sa Monopond Studio (Bad Omen, Walk Me Home, Throw at hindi mabilang na sikat na Pinoi punk records)
Yung closing track na acoustic yung pumatay sakin kakatawa (seryoso yata si Tagne kase love song eh...), all in all good job boys! Ipagpatuloy ang comedy.

Track list:
·         I want to live in Mars
·         Weekend boys
·         The opener that closes
·         Just another...(far away)
·         Careless
·         Life is gold
·         Wagyu burger
·         I want you
·         8 months seems like eternity

FB: http://www.facebook.com/pages/Settled-Down
contact#: 09163684734/09193596045 - Radio-Off Project

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento