Lunes, Disyembre 3, 2012

CD review - Ginseng Luzon


Ginseng Luzon – Trauma Bonding



Ito yata yung 2nd official release Ginseng Luzon, salamat GL boys at nakakuha ako ng kopya nito.. Opening track “Retina”. Solid! Everytime na me set ang GL, never ko na-miss ang bawat song, yung complexity, jazzed up noise rock dahilan kung bakit naiiba ang GL sa mga HC/punk bands na nakakasabay sa mga shows plus they never fail to amaze kapag live set. ngayon pwede mo na sila ma-experience sa CD. 7 songs at lahat ng tracks ay walang tapon, Pramis!

Ramdam ko yung malaking element ng Bad Brains at Melvins (which is obvious yung major influence nila), pasok din yung mga sound ng 90’s noise rock ng amphetamine reptile records (Helmet,Jesus Lizard etc). 

Although hindi masyado malinis yung recording na mukhang sinadya (actually napaganda pa nga kung ako lang ang makikinig). na-kwento sakin ni Joe (vox and guitar) na isang track lang sa kada instrument including the drums. Talk about DIY HC style men!

Paborito ko yung track na Retina, Praxis, Discharge, ay sus! Masyado ako naguguluhan sa arrangements nyo! Pa-email nalang ng lyrics mga brod! Highly recommended. 

Track List:
  • Retina
  • Tremor
  • Praxis
  • Your Disco
  • Highjump
  • Discharge
  • Elegy


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento