Sila Jaime Abellar at Tani Carino, 2
individuals na super active sa Manila south scene. Si Jaime sa pagpapatakbo ng
label at key person rin sa pag-organize ng mga local shows sa south, si Tani
ang ultra rockstar sa dami ng musical projects (Neverdie, Import the world,
Molar and the list goes on...). primary goal ng record label is to spread local music worldwide.
What’s good about this project? Ito yung
record label na nabuo dahil sa friendship with same musical interest. Walang kyeme-kyeme.
Kaya nga siguro natutuwa ako dahil naalala ko lang kung pano nagsimula eksena ng
SPC. Nakakabuo ng maliit na eksena sa tropa lang. And I’ll quote my kumpare Mr.
Rey Bravo again – “di bale na walang
eksena, basta buo ang tropa”.
· Sino ang bumubuo ng label? Independent/DIY
label ba o me bigtime corporate funder kayo?
Tani - Kaming dalawa lang ni Jaime yan.
Jaime - DIY lang kami
·
Kelan pa na-established ang continent records?
Jaime - Nagsimula ang continent sa mga unang bahagi nang 2012, inagahan
na namin dahil naniniwala kami na guguho na ang mundo sa 12/21/12, scared kami
:((
·
Bakit continent records? What’s with the name?
Jaime - Continent records ang naisip namin dahil nung mga taong tabon pa
lang tayo iisang malaking super-continent lang ang mundo aka PANGAEA, kaya
continent dahil pagkalipas nang panahon unti-unti naring nag hiwalay ang
pangaea at bumuo nang sariling mga kontinento, kumbaga ang continent ay ang
pagbuo nang "scene" dito sa south na medyo separate entity kesa sa
ibang bahagi nang bansa.
Tani - Sa akin naman, ang purpose ko sa Continent is to create a new
home. Nararamdaman namin kasi na parang di kami fit in sa ibang areas so
ginawaan na lang namin ng paraan.
·
How do you select artist na mapapabilang sa
record label? Yung pagpili sa mga bands/artist sa label, kelangan ba
pare-pareho ang tunog/genre?
Jaime - Nagsimula muna ang pag pili ng mga bandang isasama sa roster sa
mga malapit naming mga kaibigan na nakilala narin sa mga gig, nagkataon na lang
cguro na similar na tunog din kahit papaano ang mga nasa roster, pero wala
naman talagang set na tunog ang mga nasa roster, may 2 na nang US band na nag
message sa amin kung pwede ba daw silang isama sa roster... buti sana kung
medyo tumagal na ang continent baka kaya pa naming isama mga bandang nasa ibang
bansa hahahahaha tingnan nalang natin in da pyuture.
Tani - Sa ngayon mga close friends lang namin yung nasa label with the
exception of one band na taga Cebu na sobrang na tripan namin which even then,
parang family na rin tingin namin sa kanila. Ayaw namin na pare pareho yung
tunog pero gusto namin na parang family yung vibe despite the difference in
genres. Pretty much gusto lang namin na ok yung set of ethics and ideals nila
tas siyempre dapat fans rin kami ng banda.
·
Sinu-sino na yung mga nasa roster ng label? Me
mga release na ba under the label?
Jaime - Ang roster sa ngayon na active pa ay ang: Neverdie, Import The
World, Tom's Story, Molar, The Mind Is A Terrible Thing, Cubicles, Ralph
Gonzalez OFFICIAL (apelido nya talaga official), Happy Monday People, The
Eighteens at ang mga koya namin sa Banat Boys
- Meron pa lang indibidual na release ang iilang banda namin na pede
makita dito (https://www.facebook.com/ContinentRecords/info) pero balak din namin mag labas nang Continent sampler with 1-2 na
kanta na galing sa bawat banda na nasa roster, cguro late Desyembre o January
Tani - Sa ngayon mga close friends lang namin yung nasa label with the
exception of one band na taga Cebu na sobrang na tripan namin which even then,
parang family na rin tingin namin sa kanila. Ayaw namin na pare pareho yung
tunog pero gusto namin na parang family yung vibe despite the difference in
genres. Pretty much gusto lang namin na ok yung set of ethics and ideals nila
tas siyempre dapat fans rin kami ng banda.
·
Top 10 favorite independent record labels
(foreign and local) na somehow nag-inspire na bumuo ng ganitong project.
Jaime - Sakin ang mga inspirasyon ko na label ay (walang partikular na
order): Sumerian Recs, Mediaskare Recs, Myriad Recs, Basick Recs, Prosthetic
Recs, Pure Noise Recs, No Sleep Recs, Hopeless Recs, Epitaph Recs, at Bridge 9.
Tani - Influence wise, sa akin Dischord records lang kasi yung purpose
ng Continent para sakin is to document the growing scene. Pero pag personal
favorites, lumang Drive Thru, Bridge 9, Rise (yung mga bagong banda), No Sleep,
Run For Cover.
·
Paki-describe on what you think on these
terminologies. Give examples narin
Hipster:
Jaime - Terminology? Cge masaya toh hahaha! Hipster? ito na ang pumalit sa "emo" na look na
sikat dati
Tani - Hipster - Irony I guess? Ewan. Hahaha
·
Easycore:
Jaime - medyo under-appreciated para sakin, aylabdis
Tani - Naging blown out of proportion as of late tas parang puro
breakdown na lang gusto ng mga tao.
·
Crabcore:
Jaime - namamatay na kahit papaano dahil yung mga
crabcore dati nag fefail mag "djent" na tunog hahaha
Tani - Namamatay na nga. Buti na lang. hahaa
·
Post-rock:
Jaime - pampatulog ko, sobrang relaxing
Tani - Konte lang alam ko sa Post
Rock pero napansin ko sa scene na to napaka respectful ng mga tao and bands
dito. Sana nga mag carry over rin sa scene natin.
·
Metalcore:
Jaime - isa sa mga paburito kong genre, masarap mag mosh!
Tani
- Konte lang rin alam ko sa metalcore, hanggang
Misery Signals lang. Trip ko rin to lalo na yung mga melodic metalcore ones.
·
Pop punks not dead:
Jaime - salamat sa New Found Glory at di pa nga namamatay
ang papank
Tani - Hehe di talaga. If anything, ang ganda ng
direction ng pop punk ngayon
·
90’s EMO:
Jaime - wala
rin akong masabi masyado, di ako masyadong mahilig dito eh
Tani - Masarap lang talaga e. Very resonant genre na
masarap ihalo rin sa pop punk.
·
Ano yung mga nilulutong project ng continent
records?
Jaime - Continent Night aka Pangaea sa Dec. 14, 2012 sa IDB!, ang
planong sampler nang label at tuloy-tuloy na pag spread nang musika sa mga site
na katulad ng absolutepunk at the daily mosh (bago forums kung saan ako medyo
active na).
Tani - Kinukulit ko lang yung bands mag release ng material. Tapos
siyempre gawin na namin consistent yung Continent Sessions.
·
Kung me banda kayo na gusto mapa-sama sa
label, sinu-sino yun?
Jaime - Gusto ko isama sa label yung banda ni Miguel Querubin, yung nag
track, mix at master nang kanta ng Import the world at upcoming na kanta nang
tom's story, gusto ko naman mag ka metal o hardcore na banda ang continent
Tani - Haymaker from Cebu, eto yung mga taga Free For All. Inaabangan ko na
lang rin sila mag release. Gusto ko rin ng melodic hardcore na banda rin sana
sa label. Legarda gusto ko rin isama! (Sepsep! - parkas). Yung projects ni Rhys, Summon The Kraken,
Dear Abbey and Bikes gusto ko rin sana isama. From Another Planet rin sana kaso
wala na sila. Trip ko rin ang Royce at Beforehand.
·
Salamat Guys! Any shout outs, saan kayo
pwedeng kontakin?
Jaime - Pwede akong kontakin thru continent @ https://www.facebook.com/ContinentRecords pede rin sa fb ko mismo https://www.facebook.com/jaimeabellar pede sa twitter, instagram etc. nakalagay naman din sa fb ko hahahaha
maraming salamat din sa mga tanong!
Tani - Pwede ako icontact sa Neverdie page https://www.facebook.com/neverdieph or personal https://www.facebook.com/tani.carino . Check niyo records namin and punta kayo sa Dec 14th sa IDB Studio!
Maraming salamat men sa mga tanong :)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento