Mga kapatid, sa dami ng unos na nangyarari sa bansa natin,
pork barrel scam, Wally Bayola scandal at yung latest, Zamboanga MILF
take-over. Maganda parin yung nangyayari sa eksena lalung-lalo sa Manila down
south.
Kamkakailan lang 3 Manila South bands ang nag-launch ng
kani-kanilang audio output, The Skeleton Years and Import the World’s EPs and
recently Neverdie’s full length “The Life I Lead”. Ang lahat ay naganap sa home
court (except Neverdie due to unwanted circumstances) sa IDB Bar Sucat
Paranaque. And sa tingin ko magiging encouragement ito sa mga banda na
mag-record muna. Ang sistema kase nauuna ang merchandise (T-shirt, Pins,
Stickers etc.). Hindi ko naman sinasabing masama yun, pero pano tayo magiging
fanboy o fangirl ng isang grupo kung hindi natin masundan yung lyrics ng
bandang gusto natin? O hingi nalang tayo
ng lyrics sa banda o kaya hintayin natin i-post yung lyrics sa FB page? Atsaka kung pwede lang sa mga bandang
nagpapa-gig para sa launching ng TSHIRT nila?? Wow ha?! Pwede ba tigil-tigilan
nyo ako??!! Gig para sa launching ng
damit?! Duh??!
Anyways tuloy ang
balita, yung bonggang compilation ng mga pinoy hc/punk bands na ilalabas ng
Still Ill/delusion of Terror records ay mapapasa-inyo na! Still Ill 09: Movin Up, Movin On! 18 bands, 71
minutes of the best new local hardcore punk bands from the Philippines
ika nga nila. Para magkaroon ng kopya, get in touch sa still ill: www.facebook.com/stillillrecords
Ang kaibigan kong electro-synth-punk-rocker
ng Laguna na si Cerumentric ay kasalukuyang busy sa mga art, electronic rock
shows. Please visit his FB page: www.facebook.com/cerumentric
Ang isa sa paborito kong riot
punk-girl mula sa Cebu ang Tiger Pussy ay maglalabas narin ng full length sa
huling linggo ng September at ma-swerte kami ng Neverdie at Legarda para
makasama sa album launching nila. Kitakits.
Walk Me Home ay nasa recording
process na for the upcoming EP, hopefully makapag-launch narin sila within the
year end.
Ilang mga kick-ass shows
ang naka-linya sa IDB, check nyo nalang din kung ini-update ni chief Sharen, www.facebook.com/insidedboxph
Inside scoop, mga 2 kanta
nalang, pede na mag-record ulit. Tentative date ng 2nd release ay
December, aba’y after ng EP/MV launch ay mukhang nagka-gap dun ah? Mr. Darwin Dacanay
napansin ko masyadong dark ang mga kinikilos mo ngayon? Why? Me malalim ka bang
pinagdadaanan ngayon? Till next time...


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento