Lunes, Setyembre 2, 2013

Music Review: Neverdie - The Life I Lead (Continent records)


Sounds mo ba to? Kinda like:
Transit: Listen & Forgive, Title Fight: Shed, The Getup Kids: Four Minute Mile, The Starting Line: Direction, Texas Is The Reason:Do You Know Who You Are?

Kung hindi ko pa babrasuhin at sasabihin kung anong pakay ko sa “advance copy” ng cutest indie pop-punk poster boys ng Manila South nung nagkita kami nila Tani sa isang show eh sa album launch pa talaga ako makakakuha. Well...isa ako sa mga masusuwerteng unang nakarinig ng album nitong mga batang ‘to. Congratulations in advance kila Tani, Bren, Degs, Ralph at Gabba!

1st instrumental  track ay naramdaman ko na kung gaano ka-intense ang Neverdie using overdriven sweet guitar melodies. Perfect para sa pag build up ng susunod na mga tracks. 

Sweet at Intense. Ganito ko sila i-describe; ilan lang sa mga young bands na naging fan ako at isa na ang Neverdie.  Yung arrangements/structure ng mga kanta ay miles na ang layo sa mga contemporary POP Punk/Easycore bands na kasing edad nila, bihira nako makakita ng grupo na sa edad na early 20’s na makabuo ng guitar melodies na me 90’s alternative rock feel.   

Balikan ko yung disk:
60% napasaya ako since most of the songs ay napaka-sugary pop (Sundown, Lead, Enough, Last Light) audible yung sweet sound ng mga twangy telecaster ng mga bata. 20% napasayaw sa mga fast angsty melodic songs ng Loner, Enough (lumalabas yung HC/Punk influences which like na like ko!). 10% napa-ikot sa dancy part ng isa pang instrumental song “Lamp”. Bonggang arrangement na masarap sa tenga. 10% standardized melodic power pop-punk  ng Spokes at Aurora St (cleaner version).

May mga narinig rin akong dreamy arrangements which is napakasarap pakinggan habang nagpapa-antok ka.  Patunay na at their age, maririrnig sa record yung maturity ng banda na hindi lang contemporary pop-punk ang kaya nila i-offer.

Me slight comment lang ako sa lyrics at boses. May mga part na nagkakaroon ng off-tune (in my opinion sana na-polish ito sa recording process), what I really like is the shouting parts talaga na bumagay sa mga bagsakan. I guess sinasadya ni Tani magkaroon ng konting off tune para lumabas ang pag-ka “Raw” sounding? Not an issue! Magaling parin.

Napaka-thematic ng mga kanta ni Tani patungkol sa post teenage years nila and kung gaano kaganda at kasarap mabuhay, which is naiintindihan ko naman na napakasarap mabuhay. Kung sabagay, sino ba naman ang magkakaroon ng regret sa naging buhay nitong mga batang ‘to. Kayo na! (joke nga namin nila Sanee crapsalad yung mga pedalboard palang ng Neverdie ay kasing halaga na ng pang-feeding program ng probinsyang nasalanta ng trahedya. Hehehe!)

So anong “say” ko sa buong 14 track album? Nag-enjoy ako in fact, 1 week ko sya talaga pinakinggan habang bumibyahe ako papasok sa opisina. Damang-dama ko yung intensity at sweet sounds na nakakapakilig ng tenga. Daming pwedeng i-offer ng grupong ‘to, isa sa mga nagbubukas ng bagong tunong ng POP punk at indie/college rock sound.

Again,  good job boys and congratulations in advance! magkita-kita tayo sa album launching nila mangyayari sa September 14, 2013, IDB Bar in Sucat Paranaque.

Track list: Sincerity / Loner / Sundown / Aurora St. / Regret / Chaser / Lamp / Lead / Outsider / Spokes / Enough / Last Light / One day / Honesty


Available i-download sa bandcamp page at sa September 14, 2013 sa IDB Bar. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento