Lunes, Setyembre 16, 2013

Huling pasakalye

 Sa isang topic o discussion, asahan mo na maraming lalabas na argument lalo na kung masyadong “broad” o kaya masyadong “specific”. Asahan mo na may sasang-ayon sa sa binuksan mong topic at maraming sasalungat na babasag sa argumento na binuksan mo, lalo na kung sinasadya mong patamaan ang mga bagay o taong alam mong salungat sa ideya na binahagi (or sinadyang hindi ibinahagi publicly).

Maraming bagay na alam na natin ang magiging reaksyon pero pilit parin natin idadaan sa isang argument na alam na natin walang katapusan or kung matapos man, masama ang loob sa pagkatalo, asahan mo na dito ang masasakit na salita at sa huli humantong sa pagkakawala ng pagkakaibigan.

May mga leksyon na dapat matutunan, kung magbubukas ng “topic” sana gawin itong “public” para walang magiging ideya na nagkakaroon ng “single-out” or ideya na patama.
Wala sana “pikon” sa mga matatalim na pananalita dahil sa isang diskusyon handa ka dapat sa lahat ng sasalungat sa mga sinasabi mo.

Maging handa sa mga batikos lalo na alam na alam mo na mas maraming sasalungat sa mga argument na binuksan mo. Kung alam mo na "ipit" na ang mga ideya mo at hindi na kayang palusutan, walang masama mag-deklara ng cease-fire sa katunggali.

Tandaan, kung alam mong magkakaroon ng malawak na argumento, gawin ang dapat gawin..in the end, huwag masyado pa-bibo. Matutong humarap sa pagkatalo, walang masama humingi ng paumanhin basta sincere at direkta sa taong katunggali.

At sa huli...sumamang pumarty para lahat good vibes. Ito'y isang opinyon na wag sana bigyan ng kulay tulad ng makulay na topic sa isang "exclusive" group na hindi ako kasali. Ako ay nakiki-chismis lang, yup ako ang certified chismoso sa eksena...basahin ang titulo ko bago mag-react ok? ok....

Sounds ko habang sinusulat ‘to:

Diablong Buang – galit na galit! Sobrang natakot ako sa mga lirikong ibinuga ni Diego Mapaminsala! Ayokong makasalubong 'tong mga to sa daan, mahirap na....



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento