Sabado, Setyembre 14, 2013

Music review: Import the World – Fake Homes (Continent Records)

Sounds mo ba ‘to? kinda like: Home Grown – Act Your Age; Yellowcard – Ocean Ave. The Starting Line – Say It Like You Mean It, Over It – Timing is Everything

Isa pang “promising” band na galing sa Manila South (Paranaque, Muntinlupa, Las Pinas) area, at isa sa mga project ni Mr.“uber-talented guitar whiz-geek ng Manila-South” Tani Carino. Hindi ka ba napapagod bro? 


4 na “libreng” kanta mula sa mga Coño punker-kids lumaki sa isang  high-class subdivision (ex: Ayala Alabang/BF Homes) na nakikinig ng Blink 182, new found glory, the starting line at four year strong cds/mp3s, PC games, skateboarding, coke at burgers. At after nila mag-jam ay may masarap na merienda na ihahain ni yaya/ate/inday or whatever you call helpers in every house sa high class subdivision.

All tracks ay tight catchy pop-punk na may snotty vocal style; love ko yung boses ni Jason Marquez parang time warped ako nung 90’s pop punk (ref: the ataris, homegrown, yellowcard at startingline). Na-detect ko rin yung konting Fat Mike-ish sa pagkanta ni Jason. Kapansin-pansin rin yung new school easycore breakdowns ala FYS, ADTR and the likes. The usual tema ng lyrics tungkol sa post-teenage years, kwento ng mga magkakaibigan at problema ng isang “high maintenance punker kid” na hindi problema ang mabuhay sa karangyaan.  

Napabilib ako sa recording...tight/solid ang guitar tone, saludo ako sa sound engineer nila na si Miguel Querubin ng Auralith sa mahusay at solidong EP record ng ITW. Again guys, nakikiusap ako, kuha kayo netong EP ng Import The World, mag-eenjoy ang lahat ng pop punk kids at kids at heart na kagaya ko, at ang malupet dito ay makukuha nyo yung cd ng LIBRE! Basta punta lang kayo sa mga gigs nila o download nyo sa bandcamp page nila..OK? Ok.... 

Track lIst: POV, Engage, Bus Ride, Lifelong



Website

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento