Friday the 13th sa Luneta Park...magkakaroon ng malaking musical event na may advocacy na i-abolish ang "pork barrel". ang TSY ay naimbitahan ng mga organizers para makiisa sa event.
Yes, kami ay natutuwa at willing na willing mag-participate.
Ito ang first time na mag-perform ng TSYsa labas ng Sucat, Paranaque at hindi lang isang "gig" na party-party ang theme kundi may kabuluhan so proud po kami na mag-participate bagaman hindi po "political" band ang TSY. Dito po namin pwede ipahayag na nakikiisa kami sa layunin ng event.
Wala kaming intensyon kumuha pa ng "fan"crowd sa Luneta at magkaroon ng interes sa "campaign" shirt na ipamimigay sa event. Walang pulitikal na tema ang mga kanta ng TSY pero malaya po kami na magkaroon ng pahayag tungkol sa mga issue na nagyayari sa bansa. hindi porke't non-political ay hindi "aware" sa mga nagyayari sa bayan. Alam ko ito dahil sa mga practice sessions ng TSY ay nagkakaroon din kami ng mga maiikling discussions tungkol sa issue ng bayan at alam ko ang bawat indibidwal ay may malalim na pananaw sa issue.
"Direct Action" ang masasabi ko sa partisipasyon ng TSY sa Luneta. Walang "Istariray"attitude ang mangyayari sa biyernes. Kung si Jograd dela Torre makikiisa sa kampanya, aba'y Idol ko kaya yun! Dapat talaga nandun ang TSY! Magkita-kita tayo at sama-samang makiisa para lumaban sa mga BABOY ng lipunan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento